Ayon sa mga bagong regulasyon na nilalaman ng inaprubahang dekreto sa pagsisimula ng taon, simula January 20, 2022, ang mga customers na pupunta sa hair salon – parrucchiere at barbiere – ay mandatory ang pagkakaroon ng Basic Green pass sa Italya.
Ito ay nangangahulugan na sa pagpapagupit o pagpapakulay ng buhok ay kakailanganin ang pagiging bakunado kontra Covid19 o gumaling sa sakit na Covid19 (mayroong Super Green pass) o mayroong negative Covid test result (mayroong Basic Green pass na 48 hrs ang validity kung rapid test at 72 hrs naman kung PCR test). Ito ay para sa mga zona bianca, gialla at arancione. Samantala, sa zona rossa ang mga parrucchiere at barbiere ay sarado.
Susuriin ang pagkakaroon ng Basic Green pass ng mga customers, gamit ang C19 verification app sa pagpasok sa mga nabanggit na lugar.
Ipinapaalala na ang mga staff ay kailangan ding mayroong Basic Green pass sa pagpasok sa trabaho.
Ang bagong regulasyon ay para din sa mga beauty salon, spa, massage centers, tattoo parlos at iba pa. Bukod dito, ipinapaalala ang mga anti-Covid protocols tulad ng pagsusuot ng mask, hands sanitation at social distance.
Kaugnay nito, ipinatutupad din ang mandatory Covid19 vaccination sa lahat ng mga over 50s at simula February 1, 2022, ang sinumang lalabag ay mumultahan ng €100,00. Sa petsang nabanggit ay kakailanganin din ang pagkakaroon ng Basic Green pass sa mga malls at mga lugar na itinuturing na ‘non essentials’. Inaasahan ang paglabas ng kumpletong listahan mula sa gobyerno kung anu-ano ang mga negosyo na essentials at non-essentials. Simula February 15, 2022 ang mga over 50s naman ay mandatory ang pagkakaroon ng Super Green pass sa pagpunta sa trabaho.
Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa Basic at Super Green pass, konsultahin ang website ng www.governo.it
Basahin din:
- Green Pass sa mga Centri Commerciali, kailan mandatory?
- Mula mandatory vaccination hanggang Super Green pass, ang nilalaman ng bagong dekreto
- Bakuna kontra Covid19, mandatory na sa Italya para sa mga over 50s
- Super Green Pass, ang bagong regulasyon para sa taong 2022
- Quarantine at Isolation, ang bagong regulasyon
- FFP2 protective mask, saang lugar at hanggang kailan obligadong gamitin?