Isang bagong dekreto ang inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro na naglalaman ng mga bagong anti-Covid measures na ipatutupad simula February 7, 2022. Ito ay ang mga sumusunod:
- validity ng Green pass
- regulasyon sa pagpasok sa Italya
- pagtatanggal ng mga restriksyon para sa mga bakunado
- regulasyon sa mga paaralan
Validity ng Green pass
Indefinite validity o illimitato ang validity ng Super Green pass para sa sinumang may booster jab at sinumang gumaling sa Covid19 matapos ang unang dalawang dosis ng bakuna kontra Covid19. Ito ay nangangahulugan na hanggang hindi kakailanganin ang karagdagang dosis kontra Covid, ang Super Green pass ay mananatiling balido.
Zona rossa, walang restriksyon para sa mga bakunado ng booster dose
Ang pagtatanggal ng mga restriksyon sa mga bakunado, batay sa kasalukuyang regulasyon, sa zona bianca, gialla at arancione ay ipatutupad din kahit sa zona rossa. Samakatwid, anuman ang maging antas ng risk o panganib batay sa color code sa bansa ay wala itong pagbabago para sa mga bakunado ng booster dose dahil tinanggal ng bagong dekreto ang mga paghihigpit sa mga mayroong booster jab.
Swab test para sa mga darating sa Italya bansa
Sa mga darating sa Italya at mayroong recovery o vaccination certificate ng bakunang kinikilala sa Italya ngunit lampas na ang higit sa anim na buwan ay pahihintulutan lamang ang access sa mga serbisyo at mga lugar kung saan mandatory ang Super Green pass matapos sumailalim sa rapid antigen test (balido ng 48 hrs) at PCR test (balido ng 72 hrs). Bukod sa nabanggit, ang swab test ay para din sa mga bakunadong darating sa Italya ngunit ang bakuna ay hindi kinikilala sa bansa.
Regulasyon sa Paaralan
Scuola Materna
- Hanggang apat (4) na positibo ay face-to-face ang klase
- Mula limang (5) positibo ay suspendido ang pagpasok ng limang (5) araw.
Elementarya
- Hanggang apat (4) na positibo, ang klase ay face-to-face at obligado ang paggamit ng FFP2 ng mga guro at ng mga mag-aaral mula 6 na taong gulang hanggang ika-sampung araw mula nang matuklasan ang kaso ng Covid sa klase. Mandatory ang Covid test (self test, rapid o pcr sa unang araw ng pagkakaroon ng sintomas at sa ikalimang araw matapos ang contact sa nag-positibo;
- Mula limang (5) positibo, ang mga nabakunahan ng dalawang dosis nang hindi lalampas sa 120 days o nakatanggap ng booster dose, ay magpapatuloy ang face-to-face class, gamit ang FFP2 mask ng mga guro at mga mag-aaral mula anim na taong gulang hanggang sampung (10) araw. Para sa mga hindi bakunado o lampas na nang higit sa 120 days ang bakuna ay sasailalim sa DAD ng limang (5) araw.
Scuola Media at Superiore
- Face-to-face class at obligado ang paggamit ng FFP2 mask ng mga guro at mag-aaral kung may isang (1) positibo sa klase.
- Mula dalawang (2) positibo, ang mga nabakunahan ng dalawang dosis nang hindi lalampas sa 120 days o nakatanggap ng booster dose, ay magpapatuloy ang face-to-face class, gamit ang FFP2 mask ng mga guro at mga mag-aaral hanggang sampung (10) araw. Para sa mga hindi bakunado o lampas nan ang higit sa 120 days ang bakuna ay sasailalim sa DAD ng limang (5) araw.
Basahin din:
- Autosorveglianza, ano ang ibig sabihin nito?
- FFP2 protective mask, saang lugar at hanggang kailan obligadong gamitin?