in

Turista sa Italya, may karapatan bang magkaroon ng tessera sanitaria? 

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino
Tessera Sanitaria

Una sa lahat, ipinapaalala na ang pagpasok sa Italya para sa turismo ng mga non-Europeans, para sa maximum na panahon ng 90 araw, ay kailangang magkaroon ng mga requirements at magprisinta ng ilang dokumentasyon, kabilang na dito ang health insurance na may minimum coverage ng €30,000 para sa mga health expenses at repatriation. 

Sa katunayan, ang Italian Embassy na nag-iisyu ng entry visa, na tinatawag na ngayong “turismo-visita famiglia/amici” ay nagsusuri kung ang aplikante ay mayroong health insurance para sa anumang gastusin sa aksidente, pagkakasakit o repatriation sa sariling bansa.

Ang parehong regulasyon ay ipinatutupad din sa mga visa free nationals, at hihingan din ng health insurance sa pagpasok sa unang bansa ng Schengen, o sa paglabas ng Schengen area. 

Tandaan din na kakailanganin ang patunay sa pagkakaroon ng sapat na halaga – sa pamamagitan ng fideiussione bancaria o bank guarantee – deklarasyon o patunay ng accomodation – lettera d’invito / hotel booking– at return flight ticket.

Samakatwid, ang mga turistang non-EU nationals ay hindi binibigyan ng tessera sanitaria o health card sa Italya at kailangang magkaroon ng health insurance. 

Mainam na malaman na ang urgent treatment (outpatient, inpatient o day-hospital) ay palagi at pantay na ibinibigay sa lahat ng mga dayuhang naninirahan sa Italya, anuman ang dahılan ng pananatili sa bansa at samakatwid, kasama ang turismo. 

Samantala, ang mga Europeans naman, sakaling manatili sa Italya ng mas mababa sa 90 araw bilang mga turista, ay may access sa libreng paggamot sa pagkakaroon ng TEAM (Tessera Europea di assicurazione Malattia). Kung, sa kabilang banda, ay walang health card, ay kakailanganing bayaran ang buong halaga. (Atty. Federico Merlo)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

Bonus €200,00, matatanggap din ng mga colf!

Bonus bollette 2022, ginawang retroactive. Ano ang ibig sabihin nito?