Pagkatapos ng Ukraine, dalawang iba pang mga bansa ang naghahanda sakaling sumalakay ang Russia.
Ito ay ang Finland at Sweden na sa katunayan ay nagkaroon na ng isang estratehikong kasunduan sa United Kingdom, na magbibigay sa kanila ng suportang militar. Ang kasunduan ay ginawa wala pang sampung araw pagkatapos ang paglabag ng Russia sa airspace ng Sweden at Denmark.
Mula banta ay umabot na si Putin sa mga provokasyon, at posible ring magsagawa ng mga karahasan. Kaya ang desisyon ng UK na sumuporta anuman ang nais na aksyon ng Sweden. Ito ay inihayag ni British Prime Minister Boris Johnson sa isang press conference kamakailan.
Kabilang sa kasunduan sa Sweden at Finland ay ang sharing of intelligence, pati na rin ang joint military training at pagtutulungan ng mga armed forces.
Dadagdagan din ng British defence ministry ang military deployment sa Sweden at Finland upang masuportahan ang armed forces ng dalwang bansa sa kaso ng pag-atake ng Russia.
Isang bagong “Alyansa” laban sa Russia
Ang suportang ginagarantiya sa Finland at Sweden, na nagpasya na talikuran ang kanilang military neutrality upang harapin ang napipintong panganib ng pagsalakay ng Russia, ay nagbibigay buhay sa isang tunay na Western Alliance, na naglalayong kontrahin ang pananakop ni Putin.
Ang kasunduan sa pagitan ng United Kingdom, Finland at Sweden sa katunayan ay sinundan ng alok ng proteksyon mula sa USA at Germany mula sa panahon ng pag-aaplay para sa pagiging miyembro ng NATO, sakaling matuloy, hanggang sa maging ganap na miyembro nito,
Ang pangangailangang masigurado ang tulong militar ay hindi lamang isang pag-iingat, ngunit ito ay bilang tugon sa mga pahayag ni Dmitry Medvedev, vice president ng Russian Security Council, na nagpahayag na ang Moscow ay handa na magpadala ng mga nuclear weapons sa mga Baltic countries sakaling ang dalawang bansa ay sumali sa alyansa.