in

Monkeypox o vaiolo delle scimmie, ano ito at anu-ano ang mga sintomas nito?

Hindi pa man natatapos ang COVID-19 pandemic, ay naitala naman ang mga kaso ng monkeypox o ang tinatawag sa wikang italiano na vaiolo delle scimmie, sa iba’t ibang mga bansa, kasama ang Italya. 

Paano kumakalat ang monkeypox at anu-ano ang mga sintomas nito?

Ang monkeypox virus ay endemic o karaniwang sa West at Central Africa. Ito ay kabilang sa orthopox virus family.

Batay sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC, naipapasa ang monkeypox virus kapag ang isang tao ay nagkaroon ng contact sa virus mula sa hayop, kapuwa tao, o maging sa kontaminadong bagay. Ito ay maaaring makapasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat sa balat, respirator tract, mata, ilong at bibig. Hindi naman ito naipapasa sa iba sa pamamagitan ng hangin tulad ng Covid19.  

Kabilang sa sintomas ng monkeypox ay lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng katawan at likod, namamagang kulane, panginginig, at pagkapagod. Maaari ring tubuan ng bulutong tubig ang mayroon nito na karaniwang nagiging sanhi ng pagpasa nito sa ibang tao.

Sa loob ng isa hanggang tatlong araw (o mahaba pa) matapos na lagnatin, nagkakaroon ng mga rashes ang pasyente.

Karaniwang nagsisimula ang rashes sa mukha at kakalat ito sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa CDC, ang incubation period ng monkeypox ay madalas na umaabot ng pito hanggang 14 na araw, o lima hanggang 21 araw.

Tumatagal umano ang sakit sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo.

Batay sa pag-aaral ng CDC, isa hanggang 10 katao sa Africa ang namatay dahil sa monkeypox.

Ang monkeypox outbreaks ay limitado lang sa central at western Africa, ngunit sa mga nakalipas na linggo, ang suspected cases ay na-identify sa Estados Unidos, United Kingdom, UK, Portugal, Spain at Italy.

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Bonus casalinghe, matatanggap din ng mga dayuhang may Permesso UE per lungo soggiornanti 

Monkeypox, kumpirmado sa 11 bansa sa Europa