Nagsimula na ang countdown para sa nalalapit na snap election sa Italya.
Kahapon, September 23 matapos ang deadline ng submission ng mga simbolo at lista, ay nahaharap ang Italya sa isang buwang mainit na kampanya para sa halalan na nakatakda sa September 25, 2022.
Ang Survey
Sa pinakahuling survey ng Tecnè nitong nakaraang August 17 at 18 ay malinaw na nangunguna ang centrodestra o center-right coalition, 49.8%: Dalawampung puntos ang lamang sa center-left coalition sa pangunguna ni Giorgia Meloni – FdI, 30%, Lega 12.9% at Forza Italia 11, 4%.
Samantala, pumapangalawa at nasa 30% lamang ayon sa Tecnè ang centrosinistra o center-left coalition sa pangunguna ni Enrico Letta, 23.5%. Stable naman ang M5S at nananatili sa 10.2%. Sa kabilang banda, ayon kay Tecnè, ay tumataas ang survey ng Terzo polo ni Renzi at Calenda, sa 4.8%.
Ang mga nabanggit ay kinumpirma rin Noto survey noong nakaraang August 20, kung saan ang centrodestra ay nangunguna bagaman bahagyang mababa, 47.5%, habang ang centrosinistra naman ay 25.5%; ang M5S ay 12.5% at ang Terzo polo at Italia Viva ay 7.5%.
Matatandaang bumaba sa posisyon bilang Prime Minister si Mario Draghi dahil sa krisis sa gobyerno. Noong July 21, ay dinisolved ni President Sergio Matarella ang Parliyamento, walong buwan bago ang natural expiration nito at inanunsyo ang nalalapit na halalan. Ipinapagpapatuloy ni Draghi ang pamunuan ang gobyerno bilang caretaker prime minister hanggang sa eleksyon. (PGA)