in

Sanatoria 2020 updates, inilathala ng ‘Ero Straniero’

Ang Sanatoria 2020, na inaasahang makakapagre-regularize ng 220,000 dayuhang manggagawa sa Italya sa panahon ng pandemya, ay kumpirmadong isang flop dahil sa kakulangan ng mga tanggapan ng Prefecture na suriin at iproseso, sa angkop na panahon, ang mga aplikasyon. Narito ang mga pinakahuling updates na nakuha ng Ero Straniero, ang consortium ng mga asosasyon, ang inilathala kamakailan. 

Partikular, ayon sa Ero Straniero na nag-request sa Ministry of Interior ng ‘accesso agli atti’, nitong December 2022 makalipas ang dalawa at kalahating taon, ay halos 80% ng kabuuang bilang pa lamang ang nasuri: 127,652 ang positibo at naghihintay pa rin ng releasing ng permesso di soggiorno; 29,159 naman ang mga rejected application at mayroong 4,383 aplikasyon naman ang hindi na ipinagpatuloy. 

Samantala, mayroong 83,032 o 37.7% ng kabuuang bilang pa lamang ang na-isyu na permesso di soggiorno. Sa detalye, mayroong hawak na balidong permesso di soggiorno ang 30,266 ang mga kababaihan at 42,288 naman ang mga kalalakihan – 7,689 ang Ukrainian nationality; 7,314 Georgian; 6,659 Moroccan; 6,615 Pakistani; 6,522 Albanian; 5,486 Bangladeshi;  5,005 Indian; 5,486 Peruvian.

Tulad ng nabanggit, libu-libong mga employers ang umatras na at iniurong ang aplikasyon. Matatandaang maraming mga employers ang nagsumite ng aplikasyon noong nakaraang May 2020 upang i-regularize ang kani-kanilang mga colf at caregivers. Ang kawalan ng tugon makalipas ang ilang taon at pati ang pagkamatay ng dapat sanay aalagaan ng caregiver, ay ilan lamang sa mga dahilan.

Matatandaang higit sa 100,000 mga employers ang agad na nagbayad ng €500 upang masimulan ang proseso ng Sanatoria, sa kabila ng nagpatuloy sa lavoro nere o pagiging irregular. Bukod dito, ang mga workers ay walang pahintulot na lumabas ng Italya bago tuluyang matanggap ang pinaka-aasam na permesso di soggiorno. Ang pagbabawal lumabas ng Italya, na nasasaad sa Regulasyon ng Sanatoria, ay naging hadlang upang makauwi sa kanilang country of origin at makasama ang mga mahal sa buhay sa loob ng mahigit dalawang taon. 

Partikular, ang sitwasyon sa Roma ay nakakabahala: sa 17,371 regularization application ang natanggap, noong 3 Oktubre 2022, ang bilang ng mga positibong aplikasyon ay 5,202 at 330 katao ang ipinatawag sa Prefecture upang magpatuloy sa final phase ng procedure. 

Kaugnay nito, noong June 2022, sa inisyatiba ng ilang abogado, isang pormal na reklamo ang ipinadala sa Prefecture ng Roma at Ministry of Interior ng 30 workers na naghihintay ng resulta ng Sanatoria at nilagdaan ng ilang asosasyon. Ang unang pagdinig ay gaganapin sa January 31, 2022

Decreto Flussi bago matapos ang 2022

Bukod sa Sanatoria, kahit ang Decreto Flussi na pinangungunahan ng parehong mga opisina ay may malalang sitwasyon din. Bagay na pinangangambahan ng marami dahil sa nababalitang ilalabas na Decreto Flussi ng gobyerno bago magtapos ang taon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ano ang maaaring gawin kung walang permesso di soggiorno at hindi kayang bayaran ang medical expenses?

Bonus Occhiali, narito kung paano mag-aplay