Labindalawa, sa kabuuang dalawampu’t dalawa, sa mga bistadong tax evaders na colf at caregivers ay nagkusang magbayad ng buwis at multa, bago pa man makatanggap ng abiso mula sa Agenzia delle Entrate. Bukod dito, kahit huli na at tapos na ang deadline ay ginawa ang dichiarazione dei redditi.
Ito ay matapos matuklasan ng Guardia di Finanza sa Pistoia ang malalang tax evasion sa domestic dahil hindi gumawa ng salary declaration o dichiarazione dei redditi na mahigit sa isang milyong euros.
Ayon sa ulat ng Guardia di Finanza, nagsagawa ng cross-referencing sa mga database, at natuklasan na mula 2016 hanggang 2020 maraming mga domestic workers ang tumanggap ng kabuuang sahod na higit sa itinakda ng batas na walang obligasyong gawin ang dichiarazione dei redditi.
Ang 22 domestic workers ay regular na ipinagbabayad ng kanilang mga employers ng kontribusyon sa Inps. Sila ay inireport sa Agenzia dell’Entrate para pagbayarinng buwis, para sa kinitang sahod na halos 1,2 million euros.
Kabilang sa mga pinakamalaki at pinakamalalang kaso ay isang mag-asawang Pilipino na hindi nagdeklara ng sinahod na umabot sa humigit-kumulang 100,000 euros.
Basahin din:
- Obligado ba ang dichiarazione dei redditi sa domestic job?
- Tax evasion ng mga colf, paano kinokontrol?
- Colf at caregivers, timbog ng Guardia di Finanza sa hindi pagbabayad ng buwis