in

€16M, hatid ng unang click day ng domestic job sa Italya

Ang bagong decreto flussi ay nagbibigay pagkakataon sa pagpasok sa Italya ng mga non-EU workers sa domestic sector. Ayon sa decreto ang quota ng mga “non-seasonal subordinate workers sa family at social-healthcare ay 9,500 para sa taong 2023; 9,500 sa 2024 at 9,500 sa 2025”.

Batay sa pinakahuling ministerial circulars, ang sahod ng mga bagong employed workers ay hindi maaaring mas mababa kaysa sa halaga ng assegno sociale, € 503,27 bawat buwan. At batay sa nabanggit, sa ika-limang taunang ulat sa domestic work ng DOMINA Association, inaasahang papasok sa kaban ng estado ang halagang €16M sa unang araw lamang ng click day ng domestic job.

Kung isasaalang-alang ang 9,500 colf ng decreto flussi 2023, batay sa hinihingi ng circular, inaasahang ang sahod ng mga bagong workers ay posibleng nasa unang tatlong salary brackets (€6-10K; €10-15K; €15-25K).

Para sa bawat bracket ay kukunin ang average salary kung saan  kakalkulahin ang IRPEF at ang mga karagdagang buwis. Ang average salary ay imu-multiply sa bilang ng mga workers sa bawat bracket, upang makuha ang kabuuang IRPEF at karagdagang IRPEF na katumbas ng € 4.2M.

Sa nabanggit na ito ay idadagdag ang mga contributions sa welfare at social security, na kinakalkula batay sa datas ng INPS ng mga babayarang kontribusyon sa domestic job na tinatayang aabot sa €15.9M sa welfare at social security contribution.

Kung pagsasamahin ang kabuuang Irpef at contributions, inaasahang papasok sa kaban ng bayan ang humigit kumulang na €20.1M.

Gayunpaman, sa halagang ito ay ibabawas ang IRPEF deduction ng employer at ang rimborso sa domestic job na tinatayang aabot sa €3.9M at magreresulta ito ng €16.2M.

Ito ang financial impact sa unang click day ng Decreto Flussi ng domestic sector. At dahil ito ay 3 taong programa, inaasahang tataas pa ang financial impact nito, kung saan sa ikatlo at huling taon, ay inaasahang maghahatid ito ng kabuuang € 48.6M.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Christmas bonus ng mga colf, paano kinakalkula?

Application forms ng Decreto Flussi 2023, umabot na sa 320,000!