in

Bonus Psicologo, extended hanggang 2023

Ang Bonus Psicologo ay unang inilaan para sa taong 2022 lamang bilang tulong pinansyal na ibinibigay ng mga Rehiyon sa mga mamamayan (at ng mga autonomous na probinsya ng Trento at Bolzano) upang suportahan ang mga gastusin kaugnay sa mga sesyon ng psychotherapy sa mga pribadong espesyalista na regular na naka-register sa listahan ng mga psychotherapist bilang mga psychologists. 

Para sa taong 2022, ang maximum na halaga ng bonus ay €600 bawat indibidwal batay sa Equivalent Economic Situation Status Index (ISEE). 

Kaugnay nito, pinalawig ng 2023 Budget Law ang nabanggit na bonus ngayong 2023 hanggang sa mga susunod na taon at itinaas pa ang maximum na halaga ng bonus, mula €600 hanggang €1500,00. Maaaring mag-aplay ng bonus psicologo ang mga mayroong balidong ISEE na hindi lalampas sa €50,000. 

Gayunpaman, para sa mga aplikasyon ng taong 2023 at pagtatalaga ng bonus ay kailangang hintayin ang paglabas ng implementing decree na inaasahang ilalabas sa lalong madaling panahon. Samantala, tiyakin ang pagkakaroon ng balidong ISEE. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dayuhang mag-aaral sa Italya, record ngayong taon!

Bonus Trasporto 2023, aplikasyon simula April 17