in

Ang Pagbabalik ng Balik sa BASIK!

Inaanyayahan ng Balik sa Basik o BSB ang partisipasyon ng mga Euro-Pinoy sa Italya at ibang bansa sa Europa, edad 14 – 35, mga kalalakihan  at kababaihan, upang personal nilang maranasan at mapalalim pa ang kanilang kaalaman sa  kagandahan  at kaibahan ng ating sining at kultura. Ito ay upang iukit sa kanilang isipan ang ipagmalaki at yakapin ang yaman ng ating pinagmulan.

Ang gaganaping BSB ngayong 2023 ay tatampukan ng mga tanyag sa industriya ng fashion tulad ni fashion designer Renee Salud, Direk Cata Figueroa at mga panauhing modelo na magmumula pa sa Pilipinas, kasama ng mga mapipiling kalahok na sampung pares ng kababaihan at kalalakihan na mula sa Italya at ibang bansa ng Europa.

Ang BSB ay gaganapin sa mga sumusunod na lungsod, kasama ang mga  taong dapat  tawagan  para sa mas karagdagang inpormasyon:

Venice – September 30, 2023​​

Ness Bruce Araja​ +39 320 927 4244

Milan – October 1, 2023​

​​Raigsel Lopez​ ​+39 329 216 4776

Rome – October 14, 2023​​

Jaiane Morales​ ​+39 380 791 1683

Balik sa BASiK: Ang salitang BASIK ay acronym ng mga katagang Buhay na Anyo ng Sining   at Kultura.  Isang paglalaro sa mga salitang inglea na back to basic. 

Ang BSB ay hindi lamang isang uri ng paghanga at pagmamatyag, bagkus ito ay isang aktibong partesipasyon.  May gaganaping mga pagsasanay at workshops upang malinang sa mga kabataan   ang galaw at inog ng Filipino Fashion at personal  nilang  maranasan  ang ating kultura sa pamamagitan ng isamg hindi makakalimutang karanasan.

Sa mga nakaraang edisyon ng BSB noong 2016 at 2017, naranasan ng mga kabataang lumahok ang oportunidad na ipamalas ang kanilang sariling ekspresyon sa mga  tradisyunal na kasuotan ng kanilang mga ninuno. Nakapag-bibigay lakas at kaaliwan na maibahagi sa ibang lahi at maipamalas ang kagandahan ng kulturang Pilipino.

Si Celeste Cortesi ay isa sa mga naisakatuparang bunga ng BSB, na nakakapagbigay inspirasyon sa atin. Siya ang itinampok na kampeonng BSB sa Bologna noong 2017. Naging daan ang  proyektong  to sa kanyang paglalakbay upang marating  ang rurok ng tagumpay.  Itinanghal siyang Ms. Earth Philippines noong 2018, at Ms Universe Philippines noong 2022.

Ang Balik Sa BASIK (BSB) ay higit pa sa isang proyekto, ito ay isang paglalakbay upang balik-tanawin at isabuhay ang ating pinagmulan, tradisyon, at kagandahan ng ating pamanang-lahi.  

Ang layunin ng BSB ay paigtingin ang pagmamahal sa sining at kultura ng ating bayan lalo na  sa mga 2nd at 3rd generation na mga Pilipinong kabataang nagsilakihan na sa Italya – sila na tinatawag  na mga Euro-Pinoys. Hangad ng BSB na bigyan sila ng inspirasyon upang kilalanin  at yakapin  ang kahalagahan ng ating pamanang-lahi sa pamamagitan ng ibat-ibang maka-sining na ekspresyon.

Iminumulat ng proyektong ito ang mata ng mga kabataan sa tingkadng kulay at masalimuot na disenyong ating mga kasuotan sa ibat-ibang tradisyunal na  pagdiriwang. Nakamamanghang malaman  at maipagmalaki na ang ating kultura ay nagdudulot din ng positibong impluwensya sa mundo ng sining.

Ang BALIK SA BASIK ay isang konsepto na inakda ni Laarni Silva noong 2016.  Siya ay nakatira sa Padova, Veneto.

Tara na, at tangkilikin ang pagtatanghal ng BALIK SA BASIK sa Italy! (EVB)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

kit-postale-ako-ay-pilipino

Posible bang mag-biyahe kung ‘cedolino’ ng renewal ng permesso di soggiorno ang hawak? 

Back to School: Bonus Libri Scolastici, narito ang mga requirements sa bawat rehiyon ng Italya