in

Back to School: Bonus Libri Scolastici, narito ang mga requirements sa bawat rehiyon ng Italya

Nalalapit na naman ang Back to School sa Italya at ito ay nangangahulugan din ng mga bagong school supplies tulad ng libro, school bag, notebooks at marami pang iba. 

Sa katunayan, ayon sa isang pag-aaral ng Federconsumatori, may average na € 502.10 ang gastusin para sa bawat mag-aaral sa taong ito, mas mataas ng 4%kumpara sa nakaraang taon.

Sa kabutihang palad, para sa mga pamilyang mababa ang kita sa Italya, Italyano man o dayuhan, ay nakalaan ang tinatawaga na ‘bonus libri scolastici’ na isang  mahalagang tulong mula sa gobyerno ng Italya. Sa pamamagitan ng nabanggit na bonus ay maaaring makatanggap ng bahagya o kumpletong tulong pinansyal upang matugunan ang mga pangangailangan sa paaralan ng mga mag-aaral. 

Ang bonus libri scolastici ay isang probisyon ng Family Act na nagtatakda ng pagbibigay tulong ng mga Rehiyon sa mga pamilya sa pagbili ng mga textbooks o libro. Samakatiwd, bawat rehiyon ay magtatakda ng mga tuntunin at kundisyon para matanggap ang bonus libri, habang ang mga Comune ang may obligasyon na magbigay ng nasabing bonus.

Narito ang ilang mga Rehiyon kung saan kasalukuyang maaaring mag-aplay ng bonus libri scolastici

Regione Lazio

Hanggang October 15, 2023, ang Siced platform ay aktibo para sa pagpi-fill up ng mga mahahalagang datos at pagsusumite ng aplikasyon.

Ang bonus libri scolastici sa Lazio region ay para sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan (Media at Superiore), sa kundisyong residente sa rehiyon at ang ISEE ay hindi lalampas sa €15.493,71.

Regione Toscana

Naglaan naman ang Regione Toscana ng 2 milyong euros para sa bonus libri scolastici. Ang bonus ay nagkakahalaga mula €130,00 hanggang maximum na €300,00. 

Maaaring mag-aplay ang mga pamilya na mayroong ISEE hanggang €15.787,78.Samantala ang mg residente sa mga Comune ng Isola del Giglio, ang itinaalagang halaga ng ISEE ay hanggang €36,000.00. 

Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa Comune kung saan residente.

Regione Emilia Romagna 

Simula Sept 5 hanggag Oct 26, ay magsisimula din ang aplikasyon para sa bonus libri scolastici sa rehiyon ng Emilia Romagna. 

Sa pamamagitan ng angkop na form, ang mga pamilya na mayroong ISEE, na may dalawang bahagi, ay maaaring mag-aplay.

  • ISEE – mula 0 hanggang 10.632,94;
  • ISEE – mula 10.632,95 hanggang € 15.748,78.

Ang pagtanggap ng bonus ay batay sa halaga ng ISEE at may prayoridad sa pagtanggap ang mga pamilya na ang ISEE ay nasa unang nabanggit na bahagi.

Ang bonus ay nakalaan sa lahat ng mga mag-aaral na may edad hanggang 25 anyos, maliban sa mga mag-aaral na may kapansanan na walang age limitation ayon sa batas 104 ng 1992. 

Regione Campania

Kahit sa rehiyon ng Campania, katulad ng Emilia Romagna, nagtalaga ng dalawang bahagi ng ISEE kung saan ang mga pamilya na nasa unang bahagi ay mas may prayoridad kaysa sa ikalawang bahagi.

  • ISEE mula 0 hanggang sa € 10.633,00
  • ISEE mula € 10.633,01 hanggang sa €13.300,00

Ang aplikasyon ay maaaring isumite hanggang October 15, 2022.

Regione Sicilia 

Ang aplikasyon para sa bonus libri scolastici ay dapat i-submit sa paaralan mismo ng mag-aaral hanggang October 13, 2023.  Ang mga paaralan naman ang magpo-forward nito sa Comune hanggang November 24, 2023. 

Ang ISEE ay hindi dapat lalampas sa € 10.632,94. 

Samantala, inaasahang ilalabas pa lamang ang bando sa mga rehiyon ng:

  • Liguria,
  • Abruzzo,
  • Marche,
  • Molise,
  • Basilicata,
  • Calabria,

Sa mga sumusunod na rehiyon, ang bonus libri scolastici ay tapos na ang pagsusumite ng aplikasyon.

  • Piemonte,
  • Lombardia,
  • Puglia,
  • Friuli Venezia Giulia,
  • Valle d’Aosta

Ang mga nabanggit sa itaas ay general information at ipinapayong sumangguni sa mga official websites ng mga Comune kung saan residente upang malaman ang bawat detalye sa pag-aaplay ng bonus libri scolastici. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang Pagbabalik ng Balik sa BASIK!

Goodbye Reddito di Cittadinanza, Hello Supporto Formazione e Lavoro