Kahit sa taong 2023 ay naitala ang malaking pagkakaiba sa sahod hindi lamang sa pagitan ng North at South Italy, kundi pati sa regional at provincial level.
Ito ay ayon sa Osservatorio Job Pricing na taunang nagsusuri at nag-aaral ukol sa sahod sa Italian private labor market, sa pamamagitan ng JobPricing Geography Index report na nagsisiyasat sa territorial salary differences. Taun-taon ay ginagawa ang classification upang suriin at alamin ang pagkakaiba.
Kahit sa taong ito, ay naitala muli ang malaking pagkakaiba sa sahod ng mga lungsod at rehiyon. Sa katunayan, 9 lamang sa 20 italian regions at 26 lamang sa loob ng 107 provinces ang nagtala ng total gross salary na mas mataas sa national level na €30.830.
Nangunguna ang Lombardy region €32.191, na sinundan ng Trentino Alto Adige €31.501; Lazio €31.016 bilang mga rehiyon sa bansa kung saan pinakamataas ang average na suweldo sa Italya. Sumunod ang Liguria €30.620 at Emilia Romagna € 30.276. Sa South naman ay kumakatawan ang rehiyon ng Campania, sa ika-14 na posisyon na may yearly average salary na €27.015.
Ang lungsod ng Milan ay ang lungsod na may pinakamataas na halaga ng suweldo sa Italya, bilang patunay na economically powerful, € 35.724. Sumunod ang Trieste € 33.521 bilang ikalawa at Bolzano € 33.285 naman sa ikatlong pwesto. Hindi rin nagpahuli ang Roma € 32.157 at ang Genova € 32.147. Ika-6 ang Parma €31.664. Mula sa ika-13 ay umakyat bilang ika-7 ang Torino €31.449. Stable naman ang Monza e Brianza sa ika-8 € 31.376. Pang 9 ang Varese € 31.351. Mula ika-6 ay bumagsak naman ang Bologna sa ika-10, €31.342.
Ang isa pang lugar ng Central-South pagkatapos ng eternal city of Rome, makikita sa ika-38 posisyon ang L’Aquila (€ 28.979). Ang Napoli ay nasa ika-72 posisyon na may yearly average salary na € 27.127. Ang pinakahuli sa listahan ay si Ragusa, ika-107, na may €23.525.