in

Rimborso 730 senza sostituto, kailan matatanggap? Paano malalaman ang status nito?

730 tax refund Ako Ay Pilipino

Paano malalaman ang status ng rimborso 730 senza sostituto mula sa Agenzia dell’Entrate? Kailan matatanggap ang tax refund?

Ang rimborso Irpef o income tax refund ay matatanggap matapos gawin ang income declaration sa pamamagitan ng Dichiarazione del Reddito 730 o Modello Unico.

Matatandaang ang mga domestic workers ay hindi katulad ng ibang empleyado at mga workers, na para matanggap ang rimborso Irpef ay dapat gawin ang Dichiarazione dei Redditi 730 senza sostituto d’imposta.

Matapos maipadala ang Dichiarazione dei Redditi 730, paano malalaman ang status ng rimborso o refund mula sa Agenzia dell’Entrate?

Ang rimborso 730 para sa taong 2023 ay inaasahang matatanggap sa December 2023 kung ginawa ang dichiarazione 730 senza sostituto d’imposta at ipinagbigay-alam ang IBAN o bank details sa tamang panahon, partikular bago magtapos ang buwan ng November.

Upang malaman ang status ng 730 refund senza sostituto ay kailangan ang mag log in sa website ng Agenzia dell’Entrate sa pamamagitan ng SPID o ng username at password sa Agenzia dell’Entrate.

Pagkatapos ay i-click ang servizio: Cassetto fiscale at Cassetto fiscale personale.

Sa susunod na section, ay kailangang i-click ang dichiarazione fiscale at hanapin ang pinakahuling ginawang dichiarazione at ang status nito (halimbawa Dichiarazione in fase di liquidazione).

Kung ang dichiarazione dei redditi ay nasa “fase di liquidazione“, karaniwang bandang katapusan ng buwan ng November ay makikitang nakalathala ang status ng refund, sa pamamagitan ng pag-click sa Rimborsi – Rimborsi II.DD.

Kung sa situazione del rimborso, ay makikitang nakasulat ay “erogazione in corso” o “predisposto accredito del rimborso in conto corrente“, ito ay nangangahulugan na ang rimborso 730 ay matatanggap sa lalong madaling panahon.

Samantala, kung hindi makakatanggap ng refund hanggang katapusan ng buwan ng December 2023 (para sa mga mayroong current account) o hanggang katapusan ng buwan ng March 2023 (postal account) ay maaaring magpadala ng sollecito o follow-up sa pamamagitan ng pec o certified email, lakip ang dichiarazione 730 at ang resibo ng pagpapadala nito online.

Para naman sa mga walang postal o bank account, ang rimborso ay matatanggap hanggang March o April 2024 sa pamamagitan ng isang komunikasyon o mandato di pagamento na matatanggap sa address o tirahan. Ang komunikasyong nabanggit ay magpapahintulot upang matanggap ang refund, over the counter sa post office kung saan residente.

Gayunpaman, ang rimborso irpef ng Modello Unico ay darating makalipas ang 18 buwan mula sa pagpapadala ng declaration.

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.7]

Young Hearts Autumn Musical Show, tagumpay sa Roma

Dec. 1, 2023, bagong click day ng Bonus Trasporto