in

Dec. 1, 2023, bagong click day ng Bonus Trasporto

Mabilis na naubos sa loob lamang ng ilang oras ang nakalaang budget para sa bonus trasporto na nagkakahalaga ng €60 bilang diskwento para sa mga serbisyo ng pampublikong transportasyon sa Italya sa buwan ng Nobyembre 2023.

Sa katunayan, sa website ng www.bonustrasporti.lavoro.gov.it ay inilathala ang isang note na nagpapaliwanag sa sitwasyon. Ayon sa note, kasalukuyang hindi posibleng makapag-apply ng bonus trasporto dahil sa pagkaubos ng pondong inilaan ng batas no. 5 ng January 14, 2023.

Gayunpaman, posibleng muling makapag-apply sa bagong petsa ng click day ng bonus trasporto, mula 8:00 am ng 1 December 1, 2023. Ang platform ay mananatiling aktibo hanggang sa maubos ang inilaang pondo mula sa Decreto Energia.

Ang bonus ay nakalaan sa mga taong may kabuuang kita na hindi lalampas sa € 20,000 noong 2022. Layunin ng bonus na tulungan ang mga pamilya, estudyante at manggagawa na labanan at malampasan ang mataas na halaga ng mga bilihin, pati ang enerhiya.

Upang matanggap ang bonus, ang aplikasyon ay dapat isumite sa  website  www.bonustrasporti.lavoro.gov.it. Ang bonus ay maaaring i-aplay para sa sarili o para sa mga menor de edad na anak bilang beneficiaries, gamit ang SPID o Carta Identità Elettronica (CIE). Ang codice fiscale ng beneficiaries ay kakailanganin. 

Gayunpaman, ang nabanggit na website ay hindi pa tumatanggap ng aplikasyon sa kasalukuyan at magsimulang tumanggap sa December 1, 2023 mula 8:00 am.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

730 tax refund Ako Ay Pilipino

Rimborso 730 senza sostituto, kailan matatanggap? Paano malalaman ang status nito?

kit-postale-ako-ay-pilipino

Assegno Unico, mahihinto sa panahon ng renewal ng permesso di soggiorno?