in

Bonus trasporto 2023, naaantala! 

Inaasahan hanggang noong nakaraang February 14, 2023 ang paglabas ng implementing decree para sa bonus trasporto 2023, na napapaloob sa decreto legge ng January 14, 2023. Sa kasamaang palad, wala pa ang hinihintay at naaantala ang maghuhudyat sa simula ng aplikasyon ng nasabing bonus. 

Ang implementing decree ay magmumula sa Ministries of Labor, Economy at Transport. Ito ang magtatalaga sa proseso mula sa aplikasyon hanggang sa pagtanggap ng bonus.

Tulad ng nasasaad ng website ng www.bonustrasporti.it.lavoro.gov.it, ang bonus ay maaaring i-aplay ng mga may kita hanggang €35,000 euros yearly noong nakaraang taon. Gayunpaman, para sa 2023, ito ay ibinaba sa € 20,000.

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

INPS, may bagong website

Colf, paano mapoprotektahan ang sarili kung hindi pinasahod ng employer?