Available na ang resulta ng unang click day nakaraang December 4 para sa lavoro domestico.
Makikita na ng mga employers, na hindi pinalampas ang unang araw ng click day ng Decreto Flussi para sa mga colf at acergivers, ang unang resulta ng aplikasyon. Samakatwid, malalaman kung pasok ba o hindi sa quota ang aplikasyon.
Sa pamamagitan ng pag-access sa portal ng Ministry of the Interior gamit ang SPID o CIE (na ginamit sa pagpapadala ng aplikasyon) ay makikita ng mga employers kung pasok sa quota ang aplikasyon.
Sa resulta ay makikitang nakasulat sa ‘Stato attuale della pratica’ ang ‘Quota non disponibile‘ o ‘non in quota‘, kung ang aplikasyon ay hindi pasok sa itinalagang bilang.
Makikita namang nasusulat ang ‘Pre Istruttoria‘ kung pasok sa quota at ang aplikasyon ay ipo-proseso, bagaman wala pa ring kasiguraduhan ang pagpasok ng colf sa Italya.
Matatandaang 9,500 lamang quota na inilaan sa taong 2023 para sa family & health care sector. Ito rin ang parehong bilang o quota na nakalaan na susunod na click day sa February 7.