in

Bonus Natale 2024: Narito ang sample Application Form

Ang Bonus Natale 2024 ay matatanggap kasabay ng 13th month pay, ngunit hindi ito awtomatikong ibinibigay sa mga lavoratori dipendenti. Kailangang mag-submit ng isang form sa employer. Narito ang sample application form para matanggap ang Bonus Natale 2024.

Ipinapaalala na walang official template para sa Bonus Natale. Maaaring sundin ang mga tagubilin ng Agenzia delle Entrate at ang nakasaad sa implementing rules upang masigurong tama ang proseso. 

Bonus Natale 2024: Ang mga kailangang impormasyon na dapat isulat sa form

Batay sa mga pagbabago ng DL n. 167 ng 2024, sapat na ang pagkakaroon ng kahit isang dependent na anak at ng itinakdang salary requirement (kita na hindi lalampas sa €28,000 at may sapat na tax capacity) upang maging kwalipikado para sa Bonus Natale na nagkakahalaga ng €100, na matatanggap kasabay ng 13th month pay.

Ang €100 bonus ay maibibigay lamang kung ang empleyado (na kwalipikado) ay magsa-submit ng mga tamang impormasyon sa employer. Sa madaling salita, ang application form, na sa katunayan ay isang autocertificazione ang magpapatunay ng pagkakaroon ng mga itinakdang requirement. Dito ay ilalagay ang mga codice fiscale ng mga anak at ng asawa. Ang mga impormasyong ito ang kailangang upang masuri ang pagiging kwalipikado sa pagtanggap ng bonus.

I-click dito para sa sample application form (mula sa Informazione Fiscale)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4]

DFA Secretary Enrique Manalo, nasa Italya para sa G7 Ministerial Meeting