in

Bagong Covid19 variant, natagpuan sa France

Habang ang Omicron ay nagpapatuloy ang banta nang mabilis na pagkalat nito sa Europa, isang bagong variant ng Sars-CoV-2 coronavirus ang naiulat na natagpuan sa France noong nakaraang December 2021. Ito ay ang B.1.640.2

Ayon sa mga scientist ng Ihu Méditerranée Infection di Marsiglia, ito ay natagpuan sa 12 pasyente sa South France at tinawag na IHU. Ayon sa mga experts, ito ay may 46 bagong mutations at 37 deletions. Samakatwid, higit kaysa sa Omicron. 

Gayunpaman, sinusubaybayan ito ang World Health Organization (WHO) at ipinapaalala ng expert nito na si Maria Van Kerkhove sa pamamagitan ng Twitter na ang ‘ina’ ng sub-variant na ito – B.1.640 – ay “na-classified bilang ‘Variant under monitoring’ (VUM)” ng UN health agency mula pa noong Nobyembre. Aniya ang WHO ay may epektibong sistema para subaybayan at suriin ang ebolusyon ng Sars-CoV-2.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Anti-Covid pill ng Merch & Co, available na sa Italya

Carta Acquisti, mga requirements sa taong 2022