in

Bagong uri ng Coronavirus, padami ng padami ang nabibiktima. Ano nga ba ito?

Ako Ay Pilipino

Padami ng padami ang mga nabibiktima ng bagong kaso ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) na nagmula sa Wuhan, China. Sa katunayan, sa mga huling ulat ay 17 na ang kumpirmadong patay sa naturang sakit. 

Sa Pilipinas, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may isang 5-anyos na lalaking Chinese ang inoobserbahan sa Cebu City dahil sa coronavirus, pero hindi pa tiyak kung ito ay kapareho ng virus mula China. 

Samantala, sa itinaas sa ‘moderate’ mula ‘low’ ang panganib ng virus sa Italya ng European Health Authority. Dahilan ng paghahanda ng mga medico di base o family doctor sakaling ito ay dumating sa bansa, partikular sa mga malalaking lungsod kung saan mayroong international airport. 

May mga naitala na ring 4 na kaso ng virus sa Thailand at may tig-isang kaso naman sa Taiwan, South Korea, Japan, at Washington sa Amerika. 

Maraming mga international airport ang nagsasagawa na ng mahigpit na screening sa mga pasahero mula China.

Gayunpaman, kahit malaki ang posibilidad ng pagkalat ng sakit lalo’t libo-libong Chinese ang inaasahang darating at muling lalabas ng China para sa Chinese new year, ayon sa mga awtoridad ay hindi pa kailangang maglabas ng travel restriction sa mga bansa. 

Sinabi pa ng World Health Organization ay ipagpapaliban muna nila ang pagdeklara sa 2019-nCoV bilang isang public health emergency of international concern dahil kailangan pa umano ng mga karagdagang impormasyon ukol dito. 

Ano ang coronavirus?

Ang coronavirus ay grupo ng mga virus na nakakaapekto sa respiratory system ng tao. 

Ito ay isang malaking grupo ng mga viruses na karaniwang nanggagaling sa mga hayop. Ayon sa mga Scientists, ito ay tinatawag na Zoonatic, ibig sabihin na maaaring isalin galling sa mga hayop sa tao, ayon sa US Centers Diseases Control and Prevention.
    
Ang virus na ito ay nagbibigay sakit sa mga tao, nagsisimula sa mild to moderate upper respiratory illness tulad ng normal na sipon. 

Maraming uri ng coronavirus. Gaya ng trangkaso, ang coronavirus infection ay nadadaan lang sa pahinga, pag-iingat, at pag-inom ng gamot. 

Ngunit mayroon ding mabagsik na uri nito na nagdudulot ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Sa ngayon ay patuloy pang pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) ang 2019-nCoV. 

Ano ang sintomas ng Coronavirus? 

  • Sipon;
  • Ubo;
  • Masakit na lalamunan;
  • Pananakit ng ulo;
  • Lagnat na tatagal ng ilang araw.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng kontribusyon 2021 Ako Ay Pilipino

Pagkakaroon ng sertipiko o ‘patente di qualità’, bagong regulasyon sa domestic job

Tatlong pinay na pusher, nasakote sa Milano