in

Italy at Spain, tanging bansa sa Europa na may yellow zone

Pitong rehiyon sa Italya ang yellow zone. Sa Spain naman ay Extremadura lang ang yellow zone. 

Tanging ang mga bansang Italy at Spain lamang sa Europa ang may yellow zone o moderate risk sa bilang ng mga kaso ng Covid19. Ang natitirang bahagi ng EU ay red zone (high risk zone) o dark red zone (very high risk zone). 

Ito ang makikita sa updated map ng European Center for Disease Prevention and Control (ECDC).

Sa Italya, yellow zone ang mga rehiyon ng Piemonte, Toscana, Umbria, Puglia, Basilicata, Sicily at Sardegna.. 

Ang Friuli Venezia Giulia at ang Provincia di Bolzano naman ay dark red zone o high risk zone. 

Red zone naman ang lahat ng mga hindi nabanggit na rehiyon.

Samantala sa Spain, tanging ang Extremadura ang yellow zone.

Ayon sa ECDC, ang pinakamataas na insidente ng Covid19 ay nasa Germany, Benelux, Ireland, Greece at Eastern Europe.

Kaugnay nito, ang Germany ay nag-anunsyo na ng lockdown para sa mga hindi bakunado kontra Covid19. 

Ang epidemiological map ng ECDC ay may tatlong indicator: ang positivity rate, ang incidence ng mga bagong kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente sa nagdaang dalawang linggo at ang percentage ng mga ginawang covid test. Ito ay nagsisilbing sanggunian ng mga State Members ng EU para sa anumang desisyon ng restriksyon. (PGA

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Super Green Pass: kontrol at multa hanggang € 1,000

Bakuna kontra Covid19 sa mga bata edad 5-11, sisimulan sa December 16 sa Italya