in

20,000 Health Care Workers sa Italya, may Covid 

Sa Italya ay tinatayang aabot sa 20,000 ang mga doktor at nurses na may Covid, tulad sa Emilia-Romagna kung saan higit sa 1,300 at sa Lazio kung saan humigit kumulang 2,000 ang mga health care workers ang maysakit. 

Sa mga ospital sa bansa ay kasalukuyang pinoproblema kung paano maga-garantiya ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan. Kasabay nito, naitatala din ang pagtaas ng hospitalization ng mga menor de edad. Ito ay nangangahulugang ipagpaliban ang maaaring ipagpaliban, tulad ng mga naka-iskedyul na visite ambulatoriali at mga operasyon. Ang epekto nito ay ang higit na paghaba ng mga waiting list. 

Sa kabilang banda, napakabilis ng pagkalat ng Omicron 5. Kahapon, July 6, ay naitala ang halos 108,000 cases, na may positivity rate na 28%. Sa Italya mayroong 1,146,034 na mga active cases ng Covid, kabilang dito ang mga reinfections o nahawa ng Covid sa pangalawang pagkakataon na mas malaki ang panganib na ma-ospital. Sa pagbaba ng bilang ng mga duktor at nars sa serbisyo ay tumataas naman ang hospitalization, higit sa 8,000. Sa katunayan ay nababahala ang mga duktor dahil parami ng parami ang mga bata at kabataan ang nao-ospital dahil sa mga sintomas ng Covid: sa edad under 18 ay naitala ang pagtass ng 84%

Kapansin-pansin din ang pagbabago sa mga ER o pronto soccorso. Kung sa mga nagdaang buwan, karaniwang dinadala sa ospital ang mga pasyente sa ibang dahilan at matapos gawin ang test ay nadidiskubre ang pagiging positibo sa Covid. Sa ngayon, ang mga dinadala sa ospital ay dahil sa sintomas ng Covid. 

Ang Omicron, bagaman mabilis makahawa, ay hindi agresibong variant katulad ng Delta. At ang Covid pneumonia ay bihira na sa ngayon, salamat sa bakuna. Gayunpaman, “ang pagkakasakit ay nananatiling isang malaking abala”, ayon sa mga duktor at anila “kung ito ay maiiwasan ay mas makabubuting ito ay iwasan ito”.

Kailangang maging malinaw pa rin sa lahat na mahalaga pa rin ang patuloy na pag-iingat at magpatuloy sa pagsusuot ng mask, bilang proteksyon”. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus €200, sinu-sino ang mga hindi makakatanggap? 

Fake signature bags, kumpiskado sa Pinoy sa Cagliari