in

3 paaralan sa siyudad ng Bollate, pansamantalang sinara dahil sa English Variant outbreak

Bollate English Variant outbreak

Sa Bollate (Milan) ay 3 eskuwelahan ay pansamantalang sinara dahil mahigit 59 na kabataan at 20 guro ang diumanoy nahawaan ng English variant.

Ilang siyudad sa Lombardia ang idineklarang zona rossa o red zone kamakailan hingil sa muling pagkalat ng nakakahawang sakit na virus at  sa ngayon ang karagdagang English variant.

Ang English variant ng COVID-19 na kinatatakutan ngayon sa bansa ay mas mabilis na makahawa hanggang 70% at mas nakamamatay ayon sa mga scientific experts mula sa United Kingdom.

Isa na rito ang siyudad ng Bollate na mahigit 15 kilometro mula sa sentro ng Milan, kung saan 3 eskuwelahan ay pansamantalang sinara dahil mahigit 59 na kabataan at 20 guro ang diumanoy nahawaan ng nasabing virus.

Sa panayam ng Ako ay Pilipino ay labis na nag-alala si Princess Manalo na nakatira sa nasabing siyudad, dahil ang paaralan ng kanilang dalawang anak ay apektado.

Sa pagsasara ng paaralan ay dinala nila ang kanilang mga anak sa pagamutan upang sumailalim ang mga ito ng tampone o tinatawag na swab test.

Ang nakakabatang anak ay dinala sa San Siro para sa nasabing test. Samanatalang ang panganay nila ay sa ospedale di Bollate nagpa- tampone. Sa mga walang private transportation ay maaaring kumuha ng appointment sa Ats Milan sa Bollate para sa swab test.

Tinawagan kami ng Ats Milan kung anong oras kami pupunta para swab test ng mga bata dahil hindi kami puwedeng sabay sabay na pumunta sa ospedale”, ani Princess.

Laking ginhawa ng malaman nila na negatibo ang resulta ng swab test  ng kanilang sampu at walong taon gulang na mga anak. Subalit sa kabila nito ay nalulungkot ang mag-asawang Manalo sa mga bata at mga guro na nagpositibo sa virus.

At dahil sa pagsasara ng 3 paaralan at nadeklarang “Red zone” o zona rossa ang siyudad ng Bollate, ito ay nag-umpisa noong February 16 alas sais ng gabi at dapat sanay magtatapos sa February 24, ngunit pinalawig hanggang sa March 3, 2021 sa pamamagitan ng isang ordinansa.

Ang bilang ay tumaas dahil ang mga bata ay nahawahan ang kanilang mga pamilya, naisip namin na mayroong halos isang daang infected” – paliwanag ni alkalde Francesco Vassallo sa isang local online news sa Lombardia.

Ayon kay Carlo Pattaro, naninirahan sa Bollate ay maari pang ma-extend ang zona rossa sa kanilang siyudad dahil hindi pa nakakasiguro kung ang bilang ng mga nahawaan ng virus ay maari pang tumaas. Nakakaawa aniya ang mga batang nahawaan ng virus, ito ay seryoso at kaiibang kaso ng Covid.

Dobleng ingat, kasi nakakatakot ngayon ang panahon na ito, nakakatakot magkasakit.” Panawagan ni Princess.

Maliban sa siyudad ng Bollate (Milano), ay kabilang ang Mede (Pavia), Viggiù (Varese) ay nasa ilalim din ng zona rossa. (Chet de Castro Valencia)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy patay matapos mabaril ng pulis sa Milano Ako Ay Pilipino

45-anyos na pinoy, binawian ng buhay matapos mabaril ng pulis sa Milano

Italian citizenship minimum salary requirement Ako Ay Pilipino

Ano ang minimum salary requirement sa pag-aaplay ng italian citizenship by residency?