in

3 sugatan sa 300 Filipino crew ng Costa Concordia

alt

Mabilis ang naging tugon ng Philippine Embassy sa Rome at nagpadala agad ng Embassy Emergency Response Team na binubuo ng pito katao upang magbigay ng mga pangunahing pangangailangan sa mga pasahero at crew na Filipino ng cruise ship na lumubog sa Grosetto coast, Tuscany noong nakaraang Biyernes bandang alas 10 ng gabi. 

Sa pangunguna ni Consul Grace Fabella ay nagtungo sa Porto di Santo Stefano na naging rescue center ng mga pasahero at mga crew ng Costa Concordia.

Halos apat na libo ang sakay ng barko kabilang ang isang libong crew nito kung saan ay 300 ang mga Filipino.

Ayon sa mga report, tatlong Filipino ang kasalukuyang nasa ospital. Samantala, ayon naman sa isang crew “Ang karamihan sa aming mga Filipino ay ligtas at nasa maayos na kalagayan at naghihintay ng official roll call”.

Mabilis ang naging pagsaklolo ng coast guard at dinala ang mga pasahero sa Giorgio Island sakay ng mga emergency lifeboats. Pansamantalang pinatuloy ang mga pasahero at crew sa mga simbahan, hotel at mga paaralan sa nasabing isla kung saan ililipat naman ang mga ito sa Grosetto upang doon ay masusing suriin at kilalanin. Sa Genova at Savona hotels patutuluyin ang mga ito kung saan matatagpuan ang tanggapan ng Costa Concordia.

Patuloy na inaasistihan ng Embassy Emergency Response Team ang mga Filipino at inaasahan ang mga detalyadong impormasyon matapos ang official roll call sa mga crew ng nasabing barko at final list ng mga pasahero. (Philippine Embassy – Rome)

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Rasismo o poot panlahi o diskriminasyon, isang krimen

UIL “Self-certification? Pagpapahaba ng panahon ng releasing ng mga permit to stay”