in

300 domestic workers, timbog sa hindi paggawa ng Dichiarazione dei Redditi 

Timbog ang 300 domestic workers sa Viterbo sa hindi pagbabayad ng buwis sa Italya sa kabila ng pagtanggap ng regular na sahod. Sa pamamagitan ng ginawang imbestigasyon ng Guardia di Finanza, natuklasan ang tax evasion ng mga regular at may contratto di lavoro na mga colf at caregivers na magpapahintulot na mabawi ang tinatayang aabot sa 9M euros na buwis. 

Sa mga nagdaang buwan, pinalawig ng Guardia di Finanza ang mga pagsusuri sa domestic sector. At humantong sa 300 manggagawa sa sektor ang nahuling hindi gumawa ng Dichiarazione ei Redditi o Income Tax Return sa kabila ng pagkakaroon ng higit sa €9,000.00 sahod sa isang taon. 

Ayon sa press release ng Guardia di Finanza, ang pagsusuri ay ginawa sa mga domestic workers na higit sa €8,000.00 ang sahod sa isang taon at walang depedent na miyembro ng pamilya. Matatandaang ang pagkakaroon ng sahod na mas mababa/hanggang sa €8,000.00 kada taon ay hindi mandatory ang paggawa ng Dichiarazione dei Redditi at makalampas ang nasabing halaga, ay obligadong gawin ng woker ang nasabing deklarasyon.

Ang kasunduan sa pagitan ng Inps at ng Guardia di Finanza ay nagpahintulot sa naging operasyon ng Guardia di Finanza na nahati sa dalawang bahagi: 

  1. Ang pagkuha ng mga pangalan ng mga employers sa Inps na nagdeklara ng pagkakaroon ng colf o caregiver;
  2. Mula sa mga pangalan ng employers ay nakuha ang mahahalagang datos tulad ng address na nagpahintulot upang bisitahin ang mga pinagsususpetsahang lumalabag sa batas. 

Sa ginawang kontrol ay dalawa ang paglabag na natuklasan: lavoro nero at tax evasion. Sa 300 kaso, ay 11 kaso ang lavoro nero at mapait na multa para sa mga employers dahil sa naging paglabag. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 3.6]

Mas madali at mas mabilis na proseso ng Decreto flussi, aprubado na! 

Covid cases sa Italya, tumaas sa 62%