in

35 dayuhang tinanggap ang unemployment benefit habang nasa sariling bansa, inireport

Tatlumpu’t limang dayuhan mula sa iba’t-ibang nasyunalidad ang inireport sa Prcoura di Udine dahil sa maling paggamit ng unemployment benefit.

Ang  Aspi/Naspi ay ang tawag sa tulong na ibinibigay ng Inps sa mga mangagawa matapos mawalan ng trabaho. Ito ay ibinibigay sa mga kwalipikadong manggagawa na nakakatugon sa mga requirements na hinihingi ng batas ngunit isa sa kundisyon upang magpatuloy sa pagtanggap nito habang walang trabaho ay ang pananatili sa Italya.

Ayon sa naging imbestigasyon ng Squadra mobile,  Ufficio Immigrazione ng Questura at ilang tanggapan ng Inps, ang 35 dayuhan ay tinanggap umano ang benepisyo na tinatayang aabot sa € 198,000 habang sila ay wala sa Italya at nasa sariling bansa. Halagang hindi dapat nila tinanggap dahil sa kundisyong nabanggit.

Ayon pa sa regulasyon, sa kasong ang aplikante ay lalabas ng Italya para sa anumang dahilan ay kailangang ipagbigay-alam umano ito sa Inps, bagay na hindi ginawa ng 35.

Bukod sa denuncia, ang Inps ay nagpadala na rin ng komunikasyon upang ibalik ang halagang hindi nila dapat natanggap.

Kaugnay nito, ayon pa sa Ufficio Immigrazione ng Questura ng Udine, ang kanilang pangongontrol ay magpapatuloy.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Europe Elite Basketball League, Bologna Team ang Kampeon

Pake-paketeng ‘Spaghetti sauce plus Parmesan Cheese’ mula Pinas, sekwestrado sa Genoa