in

426 million euros mula sa Inps para sa assegno sociale at invalidità civile ng 70,000 mamamayang dayuhan

Sa dami ng mga datos mula sa Inps, minsan ang mga bilang ay tila hindi kapani-paniwala ngunit ito ang mga tunay at totoong numero na hawak ng tanggapan.

Sa taong 2016, umabot sa 70,648 ang mga mamamayang dayuhan (16,232 mula sa mga bansa ng Eastern European Community at 54,416 ang mga non EU) ang tumanggap ng social assistance.

Ito ay mga benepisyong tumutukoy sa assegni sociali o invalidità civile na may yearly average amount na higit sa € 6,000 kada tao at pumalo sa kabuuang gastusin na 426,4 million euros, halos 60% ng kabuuang halaga ng pension disbursement (887,8 million euros), at nakalaan sa mga dayuhang mamamayan o mga bagong Europeans na nag-trabaho sa bansang Italya hanggang maging kwalipikado sa pagtanggap ng benepisyo.

Sa taong 2015, ang mga dayuhang tumanggap ng social allowances ay may kabuuang bilang na 64,698 (49,852 non Europeans at 14,846 neo Europeans). Nagkaroon ng pagtaas na 9.2% sa isang taon lamang.

Hanggang Nobyembre ng taong 2017, ayon sa Osservatori Inps, sa parehong kategorya ay naharap ang bansa sa isang tunay na ‘trend’, o marahil naman ay naaprubahan ang mga pending application sa nakaraan.

Ang mga ‘assistiti’ na Romanians ay umabot sa 11,611; Albanians 15.566 at Moroccans 10,021. Samantala ang mga Pilipino na maituturing na unang mga imigrate sa bansa ay nagtala lamang ng halos 2,000, tulad ng mga Polish at 1,501 naman ang mga Bulgarians.

Ayon sa mga datos ng Bilancio Sociale Inps 2016 per missioni e pragrammi, sa taong 2016, ang inps ay naglabas ng 37,6 billion euros para sa mga non-Europeans at mga neo Europeans sa iba’t – ibang welfare benefit. Sa parehong taon, ay gumastos din para sa labor politics ng 40 billion euros at 255 billion euros naman sa pension at iba’t ibang social welfare.

Kung ang Lega at Cinquestelle ay magkakasundo para sa isang aksyon tulad ng kanilang madalas banggitin, aasahan ang isang malawakang pagsusuri ng lahat ng mga social allowances na sa kasalukuyan ay ipinagkakaloob ng Inps. Ito ay isang mahabang pamamaraan at ang pagpapatupad nito ay magbibigay daan para sa budget ng “pensioni di cittadinanza” na magkakahalaga ng 4,2 billion euros kada taon. Samakatwid ito ay tumutukoy sa isang uri ng allowance na nagkakahalaga ng halos €780 euros na ibibigay sa pamamagitan ng kalkulasyon ng ISEE.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Foreign entrepreneurs, namamayagpag sa Italya

Gabay sa Ricongiungimento Familiare Ako Ay Pilipino

Coesione familiare, ano ito?