Boom sa Italya ang fourth dose ng bakuna kontra Covid. Sa katunayan, tumaas ng 80% ang mga nagpa-book para magpabakuna ng updated booster shot.
Muling dumadami ang mga nagpo-positibo sa Covid sa pagpasok ng Autumn sa bansa. Ngayong araw, October 12, ay naitala ang 47,763 bagong cases ng Covid at 69 naman ang naitalang namatay. Bukod sa bilang ng mga nagpo-positibo, unti-unti ding tumataas ang bilang ng hospital at ICU admission.
Kasabay nito, naitala din ang boom o ang biglang pagdami ng mga nagpapa-bakuna ng 4th dose. Sa loob lamang ng ilang araw, naitala ang pagtaas ng 80% mula Oct 4-10 kumpara sa nakaraang linggo. Nasa 25,000 dosis kada araw, kumpara sa 15,000 dosis noong nakaraang linggo. Gayunpaman, nananatiling mababa pa rin ang bilang ng mga nabakunahan: 5.98% pa lamang ng populasyon sa Italya at 18.52% naman ang mga dapat na magpabakuna tulad ng over 60s, mga buntis, health workers at mga mahihina.
Ano ang mga available na bakuna sa Italya?
Sa kasalukuyan, dalawa ang bivalent m-RNA vaccine formulations, na parehong updated booster shots, ang available sa Italya.
Ang una ay ang updated kontra Omicron 1 (orihinal / omicron BA.1 ng Spikevax at Comirnaty) ay binigyan ng authorization noong September 7.
Ang ikalawa, update kontra sub-variant ng Omicron 4 at 5 (orihinal / BA.4-5 ng Comirnaty) ay binigyan ng authorization ng EMA at AIFA noong Septembre 23.
Tulad ng mababasa sa website ng Regione Lazio, ang parehong formulation ay maaaring gamitin bilang updated booster dose kasunod ng primary cycle (3rd o 4th dose).
Fourth dose, sino ang dapat magpabakuna?
Ang pagbabakuna ng 4th dose ay maaaring gawin 120 days makalipas ang first cycle o 120 days makalipas ang booster shot o 120 days makalipas mag-positibo sa Covid.
Sa partikular, ang bivalent m-RNA vaccine formulations ay mahigpit na inirerekomenda sa mga sumusunod:
- Over 60s;
- Pre-existing pathologies mula 12 anyos;
- Health operators;
- mga buntis;
- lahat ng taong may edad na 12 pataas na hindi pa nakakatanggap ng booster shot.
Bukod pa dito, ang 4th dose na may a bivalent formulatons ay para lamang sa mga ‘weak category’ noong una ngunit ngayon, mula September 23, 2022 ay bukas na para sa lahat ng over 12 na nagnanais na mabakunahan.
Para sa malalang immunosuppressed “batay sa medical evaluation”, ay maaari ring bigyan ng 5th dose.
Paano magpapa-book ng 4th dose?
Gayunpaman, ang fouth dose ay available sa:
- Hub sa pamamagitan ng online booking system;
- Medico di base
- Pharmacies
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official website ng Rehiyon kung saan residente at doon ay makikita ang mga komunikasyon kung paano. (PGA)