Layunin sa kasalukuyang vaccination plan ang 500,000 katao o bilang ng mga mababakunahan araw-araw. Ito ay makikita sa note ng Commissione per l’emergenza epidemiologica Covid-19.
Para makaabot sa bilang na nabanggit, hangarin na magtala ang bawat Rehiyon o Autonomous Province ng daily target ng mababakunahan sa loob ng isang linggo. Ang target mula April 16-22 ay 315,718 na bilang ng bakuna bawat araw at 2,210,026 linggu-linggo.
Ang pagsunod ng mga Rehiyon na maabot ang daily target ay mahalaga para maging malapit sa 500,000 katao kada araw sa huling linggo ng Abril tulad ng nasasaad sa vaccination plan.
Narito ang target sa bawat Rehiyon mula Abril 16-22:
- Abruzzo – 7,050 bawat araw at 49,350 bawat linggo,
- Basilicata – 3,100 bawat araw at 21,700 bawat linggo,
- Calabria – 9,644 bawat araw at 67,510 bawat linggo,
- Campania – 29,500 bawat araw at 206,500 bawat linggo,
- Emilia-Romagna – 22,000 bawat araw at 154,000 bawat linggo,
- Friuli-Venezia Giulia – 6,140 bawat araw at 42,981 bawat linggo,
- Lazio – 30,000 bawat araw at 210,000 bawat linggo,
- Liguria – 7,815 bawat araw at 54,703 bawat linggo,
- Lombardia – 51,000 bawat araw at 357,000 bawat linggo,
- Marche – 9,500 bawat araw at 66,500 bawat linggo,
- Molise – 2,000 bawat araw at 14,000 bawat linggo,
- PA di Bolzano – 3,000 bawat araw at 21,000 bawat linggo,
- PA di Trento – 3,100 bawat araw at 21,700 bawat linggo,
- Piemonte – 24,000 bawat araw at 168,000 bawat linggo,
- Puglia – 20,777 bawat araw at 145,440 bawat linggo,
- Sardegna – 11,000 bawat araw at 77,000 bawat linggo,
- Sicilia – 25,429 bawat araw at 178,002 bawat linggo,
- Toscana – 20,000 bawat araw at 140,000 bawat linggo,
- Umbria – 4,800 bawat araw at 33,600 bawat linggo,
- Valle d’Aosta – 620 bawat araw at 4,342 bawat linggo,
- Veneto – 25,243 bawat araw at 176,699 bawat linggo.
Hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa 15,809,831 katao ang nabakunahan sa bansa at mayroong 4,637,728 katao ang nakatanggap na ng dalawang doses ng bakuna laban Covid19. Para sa karagdagang impormasyon, narito ang link.
Basahin din:
- Narito kung paano makakakuha ng appointment para sa bakuna laban Covid sa bawat Rehiyon
- Online appointment booking platform para sa pagbabakuna ng mga Rehiyon (II)
- Bagong Vaccination plan, narito ang 5 prayoridad