in

PILIPINAS kasama sa 60,000 na seasonal worker, papasok ng Italya

Mga nilalaman ng bagong dekreto at mga paglilinaw. Mas mahigpit na kontrol laban sa mga pekeng request!

Ang dekreto para sa muling pagpasok ng mga seasonal worker ay pinirmahan nà (narito ang buong teksto), ngunit kailangang maghintay ng official pubblication nito sa Gazetta Ufficiale upang umpisahan ang pagsusumite ng mga aplikasyon para sa seasonal job. Pansamantala, ang Ministry ng Labour at Internal Affairs na nagpalabas ng mga klaripikasyon.

Maaaring pumasok ang halos 60 000 seasonal workers na mga non EC nationals at sa mga mamamayan ng mga sumusunod na bansa: Serbia, Montenegro, Bosnia-Herzegovina, dating Yugoslabo Republika ng Macedonia, Republika ng Pilipinas, Kosovo, Croatia, Indya, Ghana, Pakistan , Bangladesh, Sri Lanka, Ukraine, Gambia, Niger, Nigeria, Tunisia, Albania, Morocco, Moldova, Egypt.

May mga pagbabago kumpara sa nakaraan . Para sa mga seasonal worker ng mga bansang nabanggit na nakapag trabaho na ng Italya ng dalawang magkasunod na taon, ang mga employer ay maaaring humiling ng long term permit to work (o nulla osta pluriennale).

Sa ganitong paraan, magmula sa susunod na taon ang mga seasonal worker ay makakapasok sa Italya kahit na walang direct hire o kahit walang dekreto para sa seasonal job.

Sa taon ding ito, ang mga aplikasyon ay ipapadala on line o via Internet sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior (www.interno.it), sa susunod na araw ng paglalathala ng batas hanggang Disyembre 31, 2011. Ang mga employer ay maaaring gawin ito ng sila lamang o maaaring humingi ng tulong mula sa mga asosasyon. Animnapung libo gayunpaman, ang maaaring makapasok upang tugunan ang mga pangangailangan, kaya hindi na kailangan ang magpabilisan sa pagpapadala ng mga aplikasyon.

Mas mahigpit na kontrol
Ang mga aplikasyon ay susuriin batay sa petsa ng simula ng trabaho. Ang layunin ay upang makapasok ang mga manggagawa sa  tamang oras at panahon, ngunit magiging mahigpit din ang pagsusuri sa mga application upang maiwasan ang mga pekeng request, na ginagamit bilang hakbang para sa isang regularisasyon at marahil ay nagkakahalaga ng ginto.

Partikular, ay sisiguraduhin na ang mga employer ay walang request para sa isang seasonal worker sa nakaraan at pagkatapos ay tinanggihan ang manggagawa. Sa karagdagan, ang mga employer ay sasamahan ang mga manggagawa sa Immigration Office para pirmahan ang kasunduan o kontrata, at pagkatapos nito ay gagawin ang obligatory communication ng hiring. Kung hindi nà nais ng employer na kunin pà ang worker, sa makatwirang dahilan, ay maaaring saluhin ng bagong employer ang worker, sa ilalim ng parehong kondisyon ng kontrata.

Tungkol naman sa pagsusuri ng kita ng mga agricultural business, hindi lamang sasangguniin ang kitang  agrikultural, na karaniwang mababa, ngunit ipapasok din sa account ang VAT, ang declaration ng IRAP at mga kontribusyon. Sa wakas, isang pagpapagaan: kung hinihiling ang pagpasok muli ng isang manggagawa na pumasok na ng Italya noong nakaraang taon at ang tirahan ay pareho ng nakaraang taon, hindi na dapat pang muling hingin ang ser tipiko ng tirahan (certificate di idoneità alloggiativa).

Ang dekreto para sa seasonal job

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CARACOL FESTIVAL

DIRECT HIRE: 411,000 aplikasyon na!