in

9% Increase sa sahod sa Domestic job sa 2023, mabigat para sa mga Employers

caregivers

Ang sahod ng mga colf at caregivers, batay sa artikulo 38 ng Contratto Collettivo Nazionale, ay nagkakaroon ng pagbabago dahil sa paga-update ng Istat Price Index kada taon. Dahil dito, simula Enero 2023 posibleng magkaroon ng awtomatikong pagtaas sa sahod sa domestic job na humigit-kumulang 9%, dahil sa inflation rate ng 80%. 

Bagay na naka-alarma sa FIDALDO, ang Italian Federation of Domestic Employers, na binubuo ng mga associations tulad ng Nuova Collaborazione, Assindatcolf, Adld at Adlc. Batay sa kalkulasyon ng Fidaldo, ang isang full time caregiver ay posibleng magkaroon ng €125,00 increase kada buwan, at kung isasama ang 13th month pay, ferie at TFR, ang increase ay posibleng umabot ng €2,000.00. Malaking halaga umano ang increase at mabigat para sa mga employers. 

Ayon pa sa Fidaldo, bago sumapit ang December 20 ay kailangang magpulong ang Ministry of Labor, kasama ang National Committee para i-update ang halaga ng sahod at magkaroon ng kasunduan. Kung hindi, ang kawalan ng kasunduan ay maghahatid ng awtomatikong pagtaas ng sahod sa sektor, tulad ng nasasaad sa Contratto Collettivo Nazionale. 

Para kay ASSINDATCOLF (Associazione dei Datori di lavoro Domestico) President Andrea Zini, nanganganib na mabawasan ang oras ng trabaho ng marami o bumagsak sa lavoro nero ang maraming mga colf at caregivers. May panganib din na pillin ng maraming kababaihang employers na huminto sa trabaho at mag-aplay na lamang ng unemployment benefit (NASPI) sa halip na magbigay ng increase sa sahod ng colf o babysitter sa panahong mataas din ang mga bilihin at bills.

Gayunpaman, umaasa ang mga nabanggit na asosasyon na magkakaroon ng kasunduan upang hindi magkaroon ng biglang increase sa sahod sa halip ay unti-unting gawin ang inflation adjustment, kahit hanggang 100% ngunit sa buong taon (halimbawa 25% sa Enero, 50% sa Abril, 75 % sa Oktubre at 100% sa Enero 2024). 

Bukod dito, inulit muli ni Zini ang kahilingan sa gobyerno tungkol sa deduction o deduzione sa mga employers ng mga gastusin sa colf at caregivers. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.3]

Pinoy, nalaglag sa riles ng Metro B sa Roma

Ako ay Pilipino

Colf at caregivers, timbog ng Guardia di Finanza sa hindi pagbabayad ng buwis