Itinaas ngayong araw sa zona Arancione ang karagdagang 5 rehiyon at isang rehiyon sa zona Rossa.
Inaasahang pipirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang isang ordinansa na magpapatupad simula Miyerkules, Nov, 11 hanggang sa susunod na 14 na araw, kung saan ang mga rehiyon ng Abruzzo, Basilicata, Liguria, Toscana at Umbria, mula sa zona gialla ay ginawang zona Arancione.
Itinaas din sa zona Rossa ang Alto Adige, na unang nasa zona gialla. Ito ay matapos magtala ng 781 bagong kaso sa 3,000 cases tested: 26% ang positivity rate.
Samantala, pansamantalang ipinagpaliban naman ang desisyon ukol sa Campania region na marahil ay susundan ang Lombardia at Piemonte sa zona Rossa.
Basahin din: