Ang rehiyon ng Veneto ay nagising isang umaga nang wala ng dayuhang manggagawa. Isang apocalypse na tatawanan ngunit pupukaw ng atensyon sa isang bagong pelikula ni Francesco Patierno.
Rome – “Kunin ang mga kamelyo at umuwi sa inyong bansa”, utos ng isang negosyante kasapi ng Lega. Nang sumunod na araw, natupad ang kanyang gusto: lahat ng mga migrante ay nawala sa kanyang paningin.At magmula sa isang salungat na himala nagsimula ang lahat “Mga bagay mula sa ibang mundo” (Cose dell’altro mondo), isang pelikula ni Francesco Patierno, na ipalalabas sa mga sinehan sa Setyembre. Ginawa sa hilagang-silangan ng bansa at ginanapan ni Diego Abatantuono, Valerio Mastrandrea at Valentina Lodovini, maaaring magpatawa kung paano ang mga isyu ng imigrasyon at racism ay buong tapang na hinarap ang mga politically correct.
“Sa unang pagkakataon ay gaganapan nila bilang kami, sa unang pagkakataon ay tinangkang mangonsensya habang tinatawanan ang mga scene,” paliwanag ng produksyon. “Nangyaring ang isang mabuting taga North kasama ang isang makasariling Roman at isang mabuti at magandang guro sa elementarya ay nakipagsapalaran at nagpatuloy sa isang mundong walang patutunguhan”.
Ang pelikula ay naging isyu simula noong nakaraang autumn, hindi pa man inuumpisahan ang pelikula. Ang shooting ay inumpisahan noon sa Treviso, ngunit ang Northern League Mayor na si Gian Paolo Gobbo ay salungat at hindi nagbigay ng mga kinakailangang pahintulot: “Ang isyu ay walang kinalaman sa politika, masyadong maraming problema sa trapiko,” pagpapaliwanag nito. Napilitang lumipat sa Bassano del Grappa ang buong set kung saan maganda ang daloy ng trapiko.