Ayon sa Department of Tourism, noong Pebrero ng taong kasalukuyan, ang Boracay at Cebu ay kabilang sa paboritong destinasyon ng mga Intsik na turista.
Sa Asya, kinilala ang Boracay Island bilang pangalawa sa Bali Indonesia sa pinakamagandang isla at sa unang pagkakataon ay kinikilala internationally ng isang magazine bilang ika-apat sa pinakamagandang isla sa buong mundo.
Ang Travel + Leisure Magazine sa taunang magazine nito na “World’s Best Awards”, ay nagsagawa ng isang survey magmula Disyembre 2010 hanggang Marso 2011. Ang mga mambabasa ang bumoto at nagpasya sa pamamagitan ng Travel + Leisure magazine at ng TravelandLeisure.com, ang opisyal na website ng magazine.
Matatagpuan din diumano sa isyu ng Agosto ang mga attractions na napabilang sa selection. Kabilang ang
natural attractions, activities, sights, restaurants at foods sa pagsusuri.
Hindi lamang ang Isla ang nakatanggap ng papuri mula sa magazine. Maging angDiscovery Shores sa Boracay ay kasama sa listahan ng 10 pinakamahuhusay na mga hotel spa sa buong mundo.
Sa kasalukuyan, ang Boracay ay nagiging destinasyong paborito ng mga lokal at internasyonal na personalidad tulad ni Mark Salling, ang kinikilalang star ng ‘Glee’.