Matapos ilathala sa Official Gazette ang inaprubahang Decreto Cura Italia, hintayin natin ang implementing rules upang maunawaang mabuti kung paano ito ipapatupad sa domestic sector” Assindatcolf
Voucher na nagkakahalaga ng €600 para bayaran ang mga babysitter, congedi parentali (o leave), pagpapaliban sa due date ng payment ng kontribusyon sa Inps hanggang June 10, ang inaasahang nakalaan para sa mga employers sa domestic job.
Samantala, inaasahan naman para sa mga colf, caregivers at babysitter ang € 100 euro sa mga nagtrabaho sa buwan ng Marso, pagtanggap ng “Reddito di ultima Istanza” para sa mga huminto, nabawasan ang oras ng trabaho o pansamantalang pinahintong mag-trabaho at nananatiling hindi kasama sa Cassa Integrazione.
“Ito ang mga nilalaman ng Decreto Cura Italia na nakalaan sa domestic job (employers at workers)”, ayon sa Assindatcolf o Assciazione Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico.
“Matapos ilathala sa Official Gazette ang inaprubahang Decreto Cura Italia, hintayin natin ang implementing rules upang maunawaang mabuti kung paano ito ipapatupad sa domestic sector”, ayon kay Andrea Zini, ang bise presidente ng Assindatcolf.
“Marahil ang € 100 ay matatanggap ng mga colf sa pamamagitan ng Dichiarazione dei Redditi at hindi sa busta paga”, aniya.
“Ito ang dahilan kung bakit kami ay nananawagan na maging bahagi ng contingency budget na ito ng mga colf na hanggang sa panahon ng matinding emerhensya ay nananatiling nagliingkod sa mga pamilya”.
Gayunpaman, kasama sa inaprubahan ay ang pagbabayad ng gobyerno sa ‘malattia‘ kung sakaling ang colf ay sumailalim sa obbligatory quarantine o self isolation at hindi ang employer tulad ng karaniwang nangyayari. At kung sakaling ang colf ay magpositibo habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa pamliya ay ituturing na ‘infortunio’ at matatanggap ang proteksyon mula sa Inail.
Ngunit nananatiling hindi aprubado ang total deduction ng halaga ng domestic job para sa mga employers na maaaring maging bahagi ng aksyon ng gobyerno. (PGA)