in

Anu-ano ang mga contact number ng Inps?

Inps contact center Ako Ay Pilipino

Higit dalawang taon na rin na ang tanggapan ng Inps, ang national institute for social security sa Italya, ay tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng telepono at mga online platforms lamang. 

Narito ang mga Numero Verde ng Inps:

  • 803164 – sa mga tawag mula sa landline. Ito ay libre.
  • 06164164 – sa mga tawag mula sa mga cellular phones. Ito ay may bayad

Ang dalawang numero ay aktibo mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8am hanggang 8pm at Sabado mula 8am hanggang 2pm.

Posible rin ang mag-follow up ng aplikasyon sa Inps sa pamamagitan ng Posta elettronica Certificata (PEC), at sa pamamagitan ng mga FAQs ukol sa Naspi, Reddito di Cittadinanza, Assegno Unico e Universale

Contact number ng Inps

Ang Inps ay tumatanggap din ng tawag kahit mula sa ibang bansa sa mga sumusunod na telephone numbers: 

  • Belgium: 080013255
  • Denmark: 80018297
  • France: 0800904332
  • Germany: 08001821138
  • UK: 0800963706
  • Ireland: 1800553909
  • Luxembourg: 08002860
  • Netherlands: 08000223952
  • Portugal: 800839766
  • Spain: 900993926
  • Sweden: 020795084
  • Switzerland: 0800559218

Bukod sa numero verde, ang Inps at maaari ring tawagan via internet:

Tandaan na pinalalakas pa ng Inps ang App nito, na nagbibigay ng mga serbisyo at impormasyong kinakailangan ng mga mamamayan.  (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako ay Pilipino

Colf, anong buwis ang dapat bayaran? 

Kailan bababa ang presyo ng gasolina at diesel sa Italya? Ano ang nasasaad sa Decreto Energia?