in

Anu-ano ang mga pagbabago sa bagong dekreto sa Green pass?

Ayon sa bagong dekreto, ang Green pass ay mandatory para sa lahat ng mga manggagawa at sa lahat ng workplace. Samakatwid, upang magkaroon ng access sa work place ay kakailanganin ang pagkakaroon ng bakuna o ang pagkakaroon ng Covid 19 test o ang paggaling sa Covid19. 

Narito ang buod ng bagong decreto ukol sa Green pass

Mandatory ang Green pass

Simula Oct 15, ang Green pass ay mandatory para sa lahat ng mga manggagawa sa publiko at pribadong sektor, self-employed, mayroong Partitva Iva, mga abogado, colf at mga caregivers, taxi drivers, trabahador sa supermarkets at iba pa. Ang sinumang walang Green pass ay hindi makakapasok sa work place at ituturing na ‘unjustified’ ang hindi pagpasok sa trabaho. 

Suspensyon ng sahod  

Ang mga empleyado sa publiko at pribadong sektor na walang Green pass ay suspendido ang sahod simula sa unang araw ng pagliban sa trabaho. Ang mga kumpanya na mayroong mas mababa sa 15 empleyado, ang suspensyon sa sahod ay magsisimula sa ika-limang araw. Sa kabila nito ay hindi nanganganib na mawalan ng trabaho.

Smart working 

Ang mga empleyado na naka-smart working ay hindi obligado sa pagkakaroon ng Green pass. 

Multa 

Nasasaad sa bagong dekreto ang multa mula € 600,00 hanggang € 1500,00 para sa mga workers na walang green pass sa trabaho. At multa mula € 400,00 hanggang € 1000,00 naman para sa mga employer na hindi magko-kontrol ng Green pass.

Pagsusururi ng Green pass 

Ang mga employer hanggang Oct 15 ay kailangang tukuyin ang paraan ng pagsusuri. Ang kontrol sa Green pass ay mas mainam gawin sa pagpasok sa trabaho, o maaari ring random control, ayon sa decreto.

Swab test  

Price control ng rapid antigen test sa mga pharmacies na dapat ay nagkakahalaga ng € 15,00 sa mga adults at € 8,00 naman para sa mga menor de edad. Ang validity ng molecular test para sa green pass ay papahabain hanggang 72 hrs mula 48 hrs (ngunit hinihintay pa itong aprubahan ng Parliyamento). (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Green pass, mandatory din sa mga colf at caregivers

Maglaan ng oras sa check-up ng inyong Puso