in

Anu-anong mga dokumentasyon ang kailangan para sa ISEE 2023? 

Ang pagpi-fill up ng DSU o Dichiarazione Sostitutiva Unica ay ang unang hakbang upang magkaroon ng ISEE o Indicatore della Situazione Economica Equivalente. Para sa DSU, na karaniwang ginagawa sa mga CAF, ay kakailanganin ang mga personal datas ng declarant at lahat ng miyembro ng pamilya. Ngunit ito ay hindi sapat, kakailanganin din ang dokumentasyon ng sahod at pati ang movable at real estate assets.

ISEE 2023 

May ilang mahahalagang pagbabago ukol sa ISEE. Nasasaad sa 2023 Budget Law ang paggamit ng dichiarazione pre-compilato, sa website ng INPS. Gayunpaman, sa unang bahagi ng taon, ay maaaring patuloy na magpunta sa mga CAF upang gawin ang nasabing dokumentasyon. Posibleng mula sa buwan ng Hulyo, ang updated ISEE ay gagawin sa pamamagitan na ng DSU precompilato. 

ISEE 2023, ang mga requirements 

Para sa DSU 2023, dapat isumite ng aplikante ang mga sumusunod: 

  • Balidong dokumento ng pagkakakilanlan ng aplikante at ng buong pamilya;
  • Tessera sanitaria ng aplikante at ng buong pamilya;
  • Tirahan –Kopya ng kontrata sa upa, kasama ang mga detalye ng pagpaparehistro nito at mga resibo ng bayad sa upa; 
  • Plate number ng mga sasakyan at motor. 

Dapat ding isumite ng aplikante ang lahat ng dokumentasyon kaugnay sa sahod o kita at movable and real estate assets hanggang noong Decembre 31, 2021. Sa kasong ito, ang mga dokumentong isusumite ay ang mga sumusunod:

  • Estratti conto at giacenza media ng mga bank at postal account hanggang Decembre 31, 2021;
  • Saldo contabile;
  • Dichiarazione dei redditi 2022 o modello 730;
  • Certificazione Unica 2022

Tandaan na para sa ISEE 2023, ang gagamiting sanggunian ay ang kinita sa taong 2021.

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 5]

ISEE Ako Ay Pilipino

Halaga ng ISEE, bumaba ng 48% kumpara noong pre-covid

Italya, ika-4 sa world ranking ng most powerful passport. Pilipinas, may 67 visa-free countries