in

Assegno di Inclusione, matatanggap na ng higit sa 280,000 beneficiaries

May kabuuang 446,256 ang mga aplikasyong natanggap ng INPS para sa Assegno di Inclusione o ADI. Sa nabanggit na bilang, 418,527 ang nakapirma sa PAD o Patto di Attivazione Digitale at 117,461 naman ang mga aplikasyong rejected dahil sa kawalan o kakulangan ng requirements”.

Ito ay ayon sa isang komunikasyon mula sa ahensya kamakailan. 

Lampas sa parameters ng DSU (Dichiarazione Sostitutiva Unica), lampas ang halaga ng kabuuang sahod o walang deklarasyon ukol sa trabaho, ang mga pangunahing dahilan ng rejection”, ayon pa sa ahensya”. 

Magsisimula ngayong araw ng Biyernes, January 26, ang pagbibigay ng benepisyo sa 287,704 mga family beneficiaries. 

Ang nabanggit na bilang ang unang makakatanggap ng halagang € 645,84 dahil sa positibong resulta sa pag-proseso sa mga aplikasyon nito. Samantala, mayroong 12,222 aplikasyon ang nangangailangan ng follow-up. 

Ang ADI ay matatanggap buwan-buwan, hanggang maximum ng 18 buwan. Ito ay renewable para sa karagdagang 12 buwan ngunit may 1 buwang suspension bago ang renewal. 

Bago kunin ang ADI debit card sa post office, kung saan matatanggap na ang buwanang benepisyo, hintayin ang matatanggap ng text message o email mula sa INPS. Kung walang matatanggap, ipinapayong i-print ang aplikasyon mula sa official website at iprisenta ito sa post office para makuha ang debit card.

Ang Assegno di Inclusione, ang benepisyong ipinalit sa kontrobersyal na  Reddito di Cittadinanza, ay may layuning tulungan ang mga pamilya na nasa kahirapan at bigyan ng pinansyal na suporta. Bukod dito, layunin din ng benepisyong mapabuti ang sistema ng job supply at demand, pataasin ang employment at labanan ang kahirapan at ang social differences. 

Ang ADI ay ibinibigay sa mga pamilyang mayroong kahit isang miyembro sa pamilya na nasa isa sa mga sumusunod na kondisyon: 

  • kapansanan; 
  • menor de edad; 
  • hindi bababa sa 60 taong gulang; 
  • nasa severe biopsycho-social distress condition;   
  • nasa pangangalaga ng mga local social and health services na kinikilala ng public administration. 

Kabilang sa requirement ang pagkakaroon ng balidong ISEE na hindi lalampas sa € 9360 o ang pagkakaroon ng kabuuang sahod ng pamilya na mas mababa sa €6000 sa isang taon at imu-multiply sa corresponding parameter ng ADI. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Pasok ba ang aplikasyon sa quota ng Decreto flussi per lavoro domestico? Resulta, available na!

Click days ng Decreto Flussi 2024, naantala ng halos isang buwan