Simula ngayong araw, July 1, ay nagsimula ang pagsusumite ng aplikasyon ng Assegno Unico Temporaneo, na simula Enero sa susunod na taon at tatawaging Assegno Unico e Universale.
Makalipas lamang ang ilang oras ay umabot na agad sa libu-libo ang mga aplikasyon na natanggap ng website ng Inps. Pagsapit ng hapon ay umabot na sa 30,000 ang mga aplikasyon para sa 52,000 mga menor de edad, ngunit nagpatuloy ang mga aplikasyon hanggang umabot sa higit sa 45,000 para sa 75,000 mga menor de edad.
Ang 87% ng mga aplikasyon ay direktang ginawa ng mga aplikante sa website ng Inps, gamit ang SPID.
Ang Assegno Unico Temporaneo (bago tuluyang ipatupad ang Assegno Unico e Universale sa susunod na taon), ay nakalaan para sa sinumang hindi nakakatanggap ng Assegno al Nucleo Familiare (ANF), tulad ng mga self-employed at mga unemployed.
Ang Assegno temporaneo per i figli ay maaaring i-aplay mula July 1, 2021 hanggang December 31, 2021.
Ang mga aplikante ay kailangang makakatugon sa mga sumusunod na requirements:
- Mamamayang Italyano o ng State Member ng European Union, o miyembro ng pamilya nito, Non-Europeans na mayroong permesso di soggiorno per lungo soggiornanti o mayroong permesso di soggiorno per motivi di lavoro o di ricerca na balido ng hindi bababa sa anim na buwan;
- Residente at naninirahan kasama ang dependent na anak o ‘a carco’ sa Italya sa panahon ng pagtanggap ng benepisyo;
- Residente sa Italya ng hindi bababa sa dalawang taon,
- Balidong ISEE, na ang halaga ay hindi lalampas sa 50,000 euro.
Ano ang halaga ng Assegno temporaneo per i figli?
Simula July 1, 2021, ang mga self-employed o lavoratori autonomi at mga unemployed o disoccupati, ay makakatanggap ng bagong assegno, na direktang matatanggap sa kanilang bank o postal account mula sa Inps. Ito ay makahulugan para sa mga bagong aplikante dahil sila ay makakatanggap ng benepisyong ito sa unang unang pagkakataon.
Ang halaga ng benepisyo ay batay sa halaga ng balidong ISEE, ordinario o corrente. Ayon sa mensahe ng Inps, matatanggap ang sumusunod na halaga:
- €165,50 para sa bawat anak, na ang ISEE na mas mababa sa €7000, para sa mga pamilay na mayroon hanggang dalawang anak;
- € 217,80 para sa bawat anak, na ang ISEE na mas mababa sa €7000, para sa mga pamilya na mayroon hanggang tatlong anak;
Para sa bawat anak na mayroong disabilities, ang halaga ay madadagdagan ng €50 bawat anak.
Basahin din:
- Anu-ano ang mga requirements sa pag-aaplay ng Assegno temporaneo per i figli?
- Maaari bang pumili sa Assegno unico at Assegno al nucleo familiare (ANF)?
- Assegno Unico per i figli a carico, narito ang mga dapat malaman
- Bagong halaga ng Assegno al Nucleo Familiare simula July 2021, inilathala ng Inps
- Pagtaas sa halaga ng Assegno al Nucleo Familiare, simula July 1, 2021