in

Bonus Vacanza 2021, ang mga paglilinaw

Ang bonus vacanze 2020 na nagkakahalaga hanggang € 500 ay extended ang validity. Samakatwid, ang sinumang hindi pa nagagamit ang bonus vacanza, ay may pagkakataong magamit ito hanggang December 2021. Gayunpaman, ngayong taon, 2021 ay walang matatanggap na anumang Bonus Vacanza. 

Malinaw na hanggang December 31, 2021, tulad ng itinalaga ng Decreto Milleproroghe, ang validity ng bonus. Ito ay tumutukoy lamang sa pagpapalawig sa validity ng bonus na hanggang sa ngayon ay hindi pa nagagamit. 

At dahil ito ay tumutukoy lamang sa extension ng validity ng bonus, ito ay hindi isang renewal na magpapahintulot sa pagsusumite ng mga bagong aplikasyon para sa taong 2021. 

Gayunpaman, mahalagang tandaan ang posibilidad na mai-transfer ang bonus sa kasong hindi ito magagamit at ang pagkakataong magamitin ang voucher hindi lamang sa mga hotel kundi pati sa mga travel agency at tour operator. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 5]
AKO AY PILIPINO

Assegno Unico 2021, higit sa 45,000 aplikasyon sa unang araw

Online Consultation ng Migreat App, available na din sa IOS mobile device!