in

Assegno Unico, awtomatiko ang renewal sa 2023

Ang mga pamilya na nagsumite na ng aplikasyon para sa Assegno Unico Universale, at nakakatanggap na ng nabanggit na benepisyo hanggang sa kasalukuyan ay magpapatuloy na makatanggap nito at hindi na kakailanganin pa ang mag-aplay para sa renewal. Nananatiling obligasyon, gayunpaman, ang pagre-renew ng ISEE upang matanggap ang buong halaga ng Assegno Unico.  

Ang awtomatikong renewal ng Assegno Unico ay isang ‘semplificazione’ o pagpapadali sa proseso, salamat sa National Recovery and Resilience Plan (PNRR) ng Italy, na naglalayong bigyang-halaga ang database ng ahensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang makabagong serbisyo. Sa katunayan, ang mga datos ng aplikasyon, ay awtomatikong kukunin mula sa mga archive ng ahensya, na magpapatuloy sa pag-liquidate nito sa mga pamilyang beneficiaries.

Gayunpaman, kailangang ipagbigay-alam ng mga aplikante ang anumang pagbabago sa mga impormasyong una nang inilagay sa aplikasyon na ipinadala sa INPS bago ang petsa ng February 28, 2023 (halimbawa: pagsilang ng anak, pagbabago sa kondisyon ng kapansanan, paghihiwalay ng mag-asawa, pagbabago sa bank details, pagsapit sa majority age ng anak), kaagad na isinasama ang application na naipadala na.

Samantala, para malaman ang halaga ng benepsyong matatanggap, nananatiling mandatory ang pagggawa ng DSU para sa taong 2023. Ito ay kinakailangan para ma-renew ang ISEE. Ang kawalan ng bagong DSU, ang halaga ng assegno ay kakalkulahin simula sa March 2023 batay sa minimum amount. 

Sa kabilang banda, ang mga hindi kailanman nakatanggap ng Assegno Unico o hindi naaprubahan o hindi na aktibo, ang aplikasyon ay maaaring isumite sa pamamagitan ng:

Para sa petsa ng simula ng pagtanggap ng benepisyo, tandaan na para sa mga aplikasyon na isinumite hanggang June 30, 2023 – ang Assegno Unico ay kikilalanin mula March ng susunod na taon.

Ang Assegno Unico Universale ay ang nag-iisang benepisyo na ipinalit sa iba’t iba pang tulong pinansyal para sa mga dependent na anak hanggang 21 anyos sa Italya. 

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4]

Turismo sa Italya, record ngayong taon!

Misura di Inclusione Attiva, inihahanda bilang kapalit ng Reddito di Cittadinanza