Auction sale ng mga apartments sa buong Italya, ngunit kailangan ang Italian citizenship sa mga nagnanais bumili. Ang Asgi at Cgil ay hinihiling ang interbensyon ng Anti-discrimination Office. Belisario (Idv): “Operasyon ng isang rasista”
Rome – Maraming mga serbisyo ang mga Post offices sa mga migrante, hindi lamang mga postal services, pati money transfer at banking system din. Sa kanilang mga tanggapan din ipinapadala ang mga dokumentasyon sa renewal at first issuance ng mga permit to stay at bawat permit to stay ay may katumbas na 30 euro para sa grupong pinangungunahan ni Massimo Sarmi.
Ngunit pagdating sa pagbebenta ng real estate, ang Post Office ay ayaw sa mga migranteng customer.Ito ay nakasulat ng malinaw pa sa sikat ng araw sa auction sales ng labingpitong apartments sa Brescia, Ferrara, Novara, Taranto, Vercelli, at Verona. Maaaring lumahok ang mga indibidwal na may sapat na requirements tulad ng hinihingi ng regulasyon at upang hindi mawalan ng bisa ang karapatan sa pagtanggap ng bahay ay kinakailangan ang Italian citizenship.
Ang CGIL at ang Association of Legal Studies on Immigration sa Brescia ay naniniwala na ito ay isang uri ng diskriminasyon, dahil na rin ang Batas sa Imigrasyon ay malinaw na nagpapaliwanag na ang mga legal na migrante na may EU long-term residence permit (o carta di soggiorno) o permit to stay ay may karapatang tulad ng mga Italyano pati sa pagtanggap ng pabahay. Samakatwid, ang mga ito ay nag-file ng isang reklamo laban sa Post Office at hinihiling ang aksyon ng Anti-discrimination Office.
Samantala, ang kaso ay umabot na rin sa Parlamento. Ayon sa lider ng Italia dei Valori sa Senado, na si Felice Belisario,”Isang hindi matatanggap na uri ng diskriminasyon mula sa Post office. Ito ay isang malinaw na patunay na tayo ay nahaharap sa isang operasyon ng rasista at nararapat na kami ay mabilisang kumilos”, panagko pa nito.