Mandatory pa ba ang pagsusuot ng mask? Ano ang dapat gawin kung mag-positibo ang isang estudyante? Maaari bang pumasok ang may sipon? Narito ang back to school vademecum ng Ministry ng Education na naglalaman sa mga bagong regulasyon sa mga paaralan sa Italya sa pagsisimula ng SY 2022-2023.
Mandatory pa ba ang pagsusuot ng mask sa paaralan?
Ang unang pagbabago ngayong school year ay ukol sa paggamit ng protective mask. Mula September 1, 2022, sa mga paaralan sa Italya ay hindi na mandatory ang pagsusuot ng mask (surgical o Ffp2) para sa mga mag-aaral, teachers, staff at lahat ng mga nagta-trabaho dito. Ang mga nananatiling gustong gumamit ng protective mask sa paaralan ay malayang makapagsusuot ito.
Gayunpaman, mandatory ang mask FFP2 para sa mga mag-aaral at workers na ‘fragile’ o mas nasa panganib ang kalusugan.
Maaari bang pumasok ang estudyante na may sipon, ubo o lagnat?
Ayon sa vademecum 2022 ng Ministry of Education, maaaring pumasok (materna, elementare, middle & high school) ang mga estudyante na may bahagyang ubo at sipon ngunit walang respiratory difficulty ay kailangang magsuot ng FFP2 o surgical mask hanggang sa mawala ang sipon at ubo. Nananatiling mandatory ang paggamit ng mask sa mga estudyante na may sipon at ubo.
Samantala hindi maaaring pumasok ang mga estudyante na mayroong sintomad ng Covid tulad ng:
- Matinding ubo at sipon na may kasamang respiratory difficulty;
- Pagsusuka;
- Pagtatae;
- Pagkawala ng panlasa at pang-amoy;
- Matinding sakit ng ulo;
- Lagnat na mas mataas sa 37.5°.
Ano ang dapat gawin kapag nag-positibo sa Covid ang isang estudyante?
Una sa lahat, tulad ng nabanggit, hindi maaaring pumasok ang estudyante na may lagnat.
Kung may mag-positibo sa Covid, ay kailangang mag-isolate ang positibo (sa loob ng panahong itatakda ng batas), ngunit hindi magka-quarantine ang mga classmates nito.
Tinanggal na din ang DAD o didattica a distanza kahit sa mga estudyante na nasa bahay dahil positibo.
Makakabalik lamang sa klase ang nag-positibo kapag may negative result na ng tampone.
Magkakaroon naman ng extraordinary sanitation sakaling magkaroon ng higit sa isang positibo sa isang klase.
Paano ipatutupad ang physical distancing sa mga klase?
Wala na ring physical distancing sa mga klase. Samakatwid ay magbabalik ang dating sistema ng mga desk at chairs o arm chairs sa mga klase.
Paano maiiwasan ang Covid sa mga paaralan?
Ayon sa vademecum, maiiwasan ang pagkalat ng Covid sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Madalas na pagpapalit ng hangin;
- Regular sanitation at extraordinary sanitation kung kailangan;
- Pagpapatupad sa ‘etichetta respiratoria’ o ang mga tamang pag-uugali upang maiwasan ang pagkalat ng covid tulad ng pagtakip ng bibig tuwing babahin at uubo gamit ang disposable tissue.
Narito ang buong vademecum. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Ministry of Education. (PGA)