in

Bagong dekreto anti-Covid19, ang nilalaman

Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon Ako Ay Pilipino

Sa bagong dekreto anti-Covid19 na simulang ipinatupad kamakailan ay mapapansin ang pagtugon sa panawagan ng mga eksperto na patuloy na limitahan ang sirkolasyon o pagbibiyahe ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng Covid19 at ng mga bagong variants. 

Mga dapat tandaan sa pagpapatupad ng bagong dekreto anti-Covid19

Sa pamumuno ni Mario Draghi ay binigyang diin ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan ukol sa pagpapatupad ng bagong dekreto anti-Covid19. 

Autocertificazione 

Ang bagong dekreto anti-Covid19 ay pinalawig ang pagbabawal magpunta ng ibang rehiyon ng karagdagang 30 araw, hanggang March 27, 2021. Nananatili ang pahintulot para sa dahilan ng trabaho, kalusugan at pangangailangan. Upang ito ay mapatunayan, ayon sa batas, ay kailangan ang Autocertificazione. 

Tandaan na ayon sa regulasyon, ang mga deklarasyon sa pirmadong Autocertificazione “ay sasailalim sa mga pagsusuri at anumang pagkakamali o hindi angkop sa katotohanang deklarasyon ay isang krimen”. 

Dahil dito, “ang dahilan ng trabaho ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng sapat na dokumentasyon mula sa employer tulad ng badge o ID upang maipakita ang idineklara“. 

Para naman sa kalusugan, ay kailangang ilakip sa Autocertificazione ang dokumentasyon na nagpapatunay ng pangangailangang lumabas ng Comune o Rehiyon para sa kalusugan. Kabilang sa dahillan ng kalusugan ay ang pag-aalaga sa isang non self-sufficient na pasyente. 

Pagbabawal magpunta sa bahay ng ibang tao

Sa bagong dekreto ay walang pahintulot magpunta sa bahay ng ibang tao, kahit ito ay bahay ng kaibigan o kamag-anak, sa mga lugar o rehiyon na nasa ilalim ng zona rossa. Samantala, mula 5 am hanggang 10pm, ang mga rehiyon na nasa ilalim ng mga zona gialla ay may pahintulot magpunta sa ibang bahay sa loob lamang ng sariling rehiyon at ang mga rehiyon sa ilalim ng zona arancione ay may pahintulot magpunta sa ibang bahay sa loob lamang ng sariling Comune. Nananatiling ang kundisyon ay hanggang dalawa katao lamang at ang mga mas bata sa 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang

Pagsakay ng pribadong sasakyan

Bukod dito, anuman ang kulay ng Rehiyon ay patuloy na ipinatutupad ang maximum na hanggang 3 katao lamang ang pwedeng sumakay sa mga pribadong sasakyan kung hindi convivienti o hindi magkasama sa iisang bahay. At ipinapaalala na hindi pwedeng sumakay sa tabi ng driver’s seat. Kailangan din ang pagsusuot ng mask ng lahat ng sakay.  Gayunpaman, ang mga nabanggit ay hindi ipatutupad kung ang sakay ay ang sariling pamilya. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian citizenship minimum salary requirement Ako Ay Pilipino

Ano ang minimum salary requirement sa pag-aaplay ng italian citizenship by residency?

Italian language test para sa EC long term residence permit at Italian citizenship, ano ang pagkakaiba?