Pirmado na ng presidente ng konseho Giuseppe Conte ang bagong DPCM (o Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri) na nagtataglay ng mga bagong paghihigpit laban sa patuloy na pagkalat ng covid19 sa bansa. Ito ay matapos matanggap ang iba’t ibang opinion mula sa mga Rehiyon. Ang bagong anti-covid19 preventive measures ay ipatutupad ng 30 araw. Narito ang nilalaman.
Indoor at outdoor private parties, pinagbabawal
Ipinagbabawal ang mga pribadong pagdiriwang sa mga indoor at outdoor space. Ito ay ang pangunahing pagbabago ng dpcm at isang mabigat na tagubilin upang maiwasan ang pagtanggap ng mga bisita sa loob ng mga bahay, para sa anumang pagdiriwang, hapunan o iba pang mga okasyon, ng higit sa anim na katao na miyembro ng pamilya o mga kaibigan na hindi ‘conviventi’ o kapisan. Ang paggamit ng mask ay mahigpit ding tagubilin sa loob ng mga tahanan sa pagkakataong mayroong hindi kapisan o ‘conviventi’.
Gayunpaman ay pinahihintulutan ang mga civil at religious ceremonies kung saan maaaring lumahok ang hanggang 30 katao, sa kundisyong susundin ang mga pinaiiral na anti-covid19 preventive measures.
Obligadong pagsusuot ng mask
Nasasaad sa Artikulo 1 ng DPCM na obligado sa buong bansa na palaging may dalang respiratory protection device, pati na rin ang obligasyong isuot ito sa lahat ng close area maliban sa sariling tahanan, pati na rin sa lahat ng open space, maliban na lamang sa pagkakaroon ng ilang katangian ng lugar o mga sitawsyon kung saan masisigurado ang social distancing ng bawat tao (na hindi mga ‘convivienti’ o magkakasama sa bahay) at nakakatugon sa mga preventive measures para sa economic, productive, administrative and social activities, pati na rin sa mga guidelines ng consumption of food and drinks.
Sa nasabing obligasyon ay hindi kasama ang mga nagpa-practice ng sports, mga bata anim na taong gulang pababa, taong may pathologies and disabilities. Ang paggamit ng mask ay mahigpit ding tagubilin sa loob ng mga tahanan sa pagkakataong mayroong hindi kapisan o ‘conviventi’.
Paghihigpit sa nightlife o ang ‘Movida’
Ang mga restaurants at bar ay kailangang magsara sa hatinggabi at mula 9pm ay ipinagbabawal ang consumption ng nakatayo at samakatwid ay maaari lamang mag-serve sa mga may table, indoor at outdoor. Nananatiling sarado ang mga dance hall at disco houses, indoor at outdoor, habang may pahintulot naman ang mga trade show o fiere at mga convention.
Field trips ng mga paaralan, bawal din
Muling ipinagbabawal ang anumang uri ng school activity sa labas ng paaralan, pati field trips.
Sinehan at konsyerto
Ang limitasyon ng 200 participants sa mga close area at 1000 naman sa mga open space, sa kundisyon ng 1 metrong distansya ng bawat pwesto. Nananatiling suspendido ang mga events kung saan hindi mapapanatili ang nasabing distansya. Ang mga probinsya at rehiyon ay maaaring magtalaga, sa pahintulot ng Ministry of health, ng ibang maximum numbers of participants bawat sa laki at katangian ng venue.
Mga Stadium
Para sa mga sports competition ay pinahihintulutan ang presensya ng publiko hanggang sa 15% ng maximum capacity ng venue at hindi lalampas ng 1000 katao sa open space at 200 katao naman kung close area.
Sports
Stop din ang calcetto at ibang contact sports sa amateur level. Ipinagbabawal ang lahat ng uri ng kumpetisyon sa amateur level. (PGA)
Basahin din:
- State of Emergency, extended hanggang January 31, 2021
- Mask, mandatory kahit sa outdoors. Kailan may pahintulot na hindi ito isuot?