Ang bagong variant ng Covid19 na natuklasan sa UK ay mas madaling mahawa ang mga kabataan at mga bata. Higit na pananaliksik ukol dito ang patuloy na ginagawa sa kasalukuyan. Ito ay ayon kay WHO representative David Nabarro sa isang panayam ng Skynews.
Basahin din:
Ang bagong variant ay maaaring maghatid ng takot sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa mga paaralan na nakatakda sa Enero 7.
Ito ang pinangangambahan ng ilang bansa. Bukod sa UK, ang Denmark, Netherlands, Australia at Italya, kung saan ngayong araw ay natuklasan ang kaso ng bagong variant sa Marche. Ayon sa mga pinakahuling ulat, wala umanong koneksyon ang bagong kaso sa UK.
Bakuna ng Pfizer, Moderna at AstraZeneca, epektibo din laban sa bagong variant ng Covid19
Gayunpaman, pinanghahawakan pa rin ang salita ng mga eksperto sa buong mundo. Anila, ang bakuna ng Pfizer, Moderna, AstraZeneca ay epektibo din umano laban sa bagong variant ng Covid19. At kung sakaling hindi ay may posibilidad na mabago ang mga ito sa loob ng ilang linggo lamang, tulad ng mga bakuna laban seasonal flu. (PGA)