in

Bakuna kontra Covid19, epektibo ng 90%

ako-ay-pilipino

Epektibo ng 90%. Ito ang inanunsyo ng Pfizer at Biontech, matapos ang mga unang resulta ng final clinical trial ng bakuna kontra covid19. 

Inaasahan ng dalawang pharmaceutical companies ang produksyon ng mga dosis ng bakuna na sasapat para mabakunahan ang mula sa 15 hanggang 20 milyong katao sa pagtatapos ng taon. 

Bukod dito, inaasahan din ang paghingi ng awtorisasyon sa Food and Drug Administration bago magtapos ang buwan ng Nobyembre, pagkatapos makolekta ang dalawang buwan report bilang rekomendasyon ng seguridad nito. 

Kaugnay nito, ayon sa ulat ng Repubblica, tila katapusan ng buwan ng Oktubre kung saan ilang kinatawan ng Pfizer ay nakausap ni Health Minister Roberto Speranza sa pamamagitan ng video call. Iisa umano ang tanging layunin ng naging pulong: planuhin ang panahon, alamin ang technicalities at logistics sa simula ng pagbabakuna sa Italya. Sa katunayan, inaasahan na magtatapos ang pagsusuri ng European Agency sa final clinical trial at aaprubahan ang bakuna sa pagitan ng katapusan ng Disyembre hanggang kalahatian ng Enero. At batay sa kalkulasyon ng gobyerno ay makakapagbakuna bandang ika-20 ng Enero sa bansa at bibigyan ng priyoridad ang mga helath staff at mga pasyente. 

Ayon sa mga ulat, tinatantyang aabot sa 3,4M ang mga dosis hanggang katapusan ng Enero. Sapat upang mabakunahan ang humigit kumulang 1,7M katao. Sa katunayan, ang bakuna ay nangangailangan ng 2 beses na injection. 

Sa kasalukuyan, ang tanging sigurado ay ang kasunduan para sa supply ng bakuna ay european level, ngunit hangad ni Speranza na mapabilis ang panahon hangga’t maaari. Dahil dito, inaasahan hanggang Biyernes, kasama ang German Minister of Health, ay hangaring isara at tapusin ang kasunduan ukol sa distribusyon ng bakuna sa mga Member States.   

Ang bakuna laban sa coronavirus ay ang pinakamalaking operasyon ng pagbabakuna sa kasaysayan ng mundo. Ngunti sa kabila nito, Ayon sa lang ulat, marahil ay hindi umano agad nito malulupig ang virus.  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

€ 500 bonus para sa internet connection at personal computer, simula na!

Ako Ay Pilipino

Lockdown? Malalaman sa November 15