Sa pagsisimula ng second phase ng pagbabakuna laban Covid19 ay katanungan ng marami kung paano makakakuha ng appointment.
Ang pagbabakuna sa mga over 80s, na unang kategorya ng second phase ng pagbabakuna ay walang standard procedure sa Italya. Ang mga Rehiyon ay mayroong kanya-kanyang organisasyon kung paano makakakuha ng appointment at kung kailan at saan gagawin ang pagbabakuna.
Basahin din:
Sa katunayan, sa maraming rehiyon ay nagsimula na ang second phase.
Ang Campania, ay ang unang rehiyon na nagsimula sa scheduling ng mga over 80s. Sinimulan ilang linggo na ang nakakaraan, sa pamamagitan ng isang angkop na website https://adesionevaccinazioni.soresa.it/adesione/cittadino kung saan kailangang mag-register, mag-iwan ng email address at telephone number para sa araw ng appointment.
Kahit sa Lazio ay nagsimula na din ang second phase sa pamamagitan ng platform prenotavaccino-covid.regione.lazio.it o salutelazio.it. Mayroon din telephone number na maaaring tawagan para sa mga impormasyon, 06.164.161.841. Maaaring pumili ng petsa, oras at lugar kung saan babakunahan.
Maging sa Toscana ay nagsimula na din ang second phase. Dito ay ang mga medici di base ang kokontak sa mga over 80s, at samakatwid ang mga susunod na kategorya batay sa vaccination plan. Sa pamamagitan ng mga medici di base ay gagawin ang appointment kung kailan at saan gagawin ang bakuna. May posibilidad din na gawin sa sariling tahanan ang pagbabakuna, kung kinakailangan.
Samantala sa Veneto ay nagsimula noong Feb 15 para sa mga ipinanganak ng 1941 na tinatawag sa pamamagitan ng isang liham. Batay sa taon ng kapanganakan, ay makakatanggap ng liham para sa petsa at araw ng bakuna.
Sa Emilia Romagna ay kasisimula pa lamang ng sceond phase. Nagsimula noong Feb16 at maaaring makakuha ng appointment online (Fascicolo Sanitario Elettronico, Fse; app Er Salute; CupWeb), o sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono (azienda sanitaria di appartenenza) o pagpunta ng personal sa mga CUP o mga pharmacies na may servizio Cup).
Sa Lombardia ay magsisimula sa Feb 18. Para sa appointment ng mga over 80s ay ang angkop na website vaccinazionicovid.servizirl.it. Makalipas ang 48 hrs, ay tatawagan upang ibigay ang petsa, araw at lugar kung saan gagawin ang pagbabakuna. Maaaring sa pamamagitan ng sms o tawag sa landline.
Sa Piemonte at Liguria ay magsisimula sa February 21. Sa Piemonte ang mga over 80s na nais magpabakuna ay kailangang ipagbigay alam ito sa kanilang medici di famiglia na mag-oorganisa ng pagbabakuna batay sa priyoridad, habang ang ASL naman ang magbibigay ng appointment.
Sa Liguria, para sa appointment ng bakuna ng mga over 80s ay mayroong angkop na website, prenotovaccino.regione.liguria.it at numero verde 800 938818. Maaari ring magpunta sa sportello Cup o kumuha ng appointment sa mga pharmacies (simula Feb 18).