in

Barko na may 16 na Pilipino, binihag ng mga pirata

altNaples – Ang barko na nagngangalang "Rosalia D'Amato" ang binihag ng mga pirata sa Arabe Sea, 400 miles mula sa baybayin ng Oman at 300 naman mula sa isla ng Socotra. Ang crew ay binubuo ng 22 katao, 6 na Italiano at 16 na Pilipino. Ang pag-atake ay naganap ng alas kwatro ng madaling araw; dalawang bangka ang lumapit sa barko. Ang mga pirata, ayon sa source, ay sumakay at inangking patakbuhin ang bapor. Walang naganap na pagpapaputok at wala sa mga miyembro ng crew ang nasugatan.

Ang barko, ay kasalukuyang hawak sa sandaling ito at patungo sa baybayin ng Somalia.

Ang Italian Foreign Ministry ay sinusubaybayan ang mga kaganapan sa pamamagitan ng Crisis Unit na may contact sa kumpanya ng barko, ang "Fratelli D'Amato, na may head office sa Naples, pag-aari ng "Savina Caylyn", na binihag din ng mga pirata sa Indian Ocean noong nakaraang Pebrero 8. Sa board ay may limang Italians at 17 Indian seafarer.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

150 years Chamber

Bride Caregiver?